Yes, aminado ang binata na gusto niya si Julia reason para officially ay nililigawan niya ito na ibinunyag niya sa entertinment reporters recently.
Sa presscon ng pelikula nilang dalawa na “Love You to the Stars and Back” na bagong romcom ni Direk Antoinette Jadaone
na kilala sa mga pelikulang emote at hugot na produced ng Star Cinema,
kakaiba at mas level up ang romansa sa movie ni Direk reason para ang
pelikula ay nakatulong sa off-camera relationship ng dalawa.
Isa rin marahil ito sa dahilan ng positibo na reaksyon ni Julia sa binata na nanliligaw sa kanya ngayon.
Sabi
ni Julia who plays the role of Mika: “Very well-loved naman siya by my
family, very accepted at pag may gathering, hinahanap na rin siya kaya
nakakatuwa para sa akin kasi siyempre gusto mo accepted,” pagmamalaki ng
dalaga.
Maging
ang ina niya na si Marjorie Barretto ay boto rin sa binata. “Kung ano
yung gusto ng mga anak ko, doon ako. Basta happy at protective sa mga
anak ko, okay na ako. Basta, inspired.”
Dagdag
pa ng ina tungkol sa magagandang salita nito sa ka-love team ng anak:
“Si Joshua kasi nakikita ko very maka-pamilya siya eh. So important sa
amin na he likes being with our family. Parang he looks like a good
son.”
Gayon naman pala at aprub ang binata kay Mommy Marjorie, wala dapat ipangamba si Joshua. In short, selyado na ang JosLia in principle.'
Gayon naman pala at aprub ang binata kay Mommy Marjorie, wala dapat ipangamba si Joshua. In short, selyado na ang JosLia in principle.'
Kung
gayong oks si Joshua sa nanay at mas okey ang binata sa dalaga, maganda
ang magiging ending ng sinisimulang love story nina Joshua at Julia.
Sa katunayan, ang mga JOSHLIA fans ay naghihintay na lang ng matamis na sagot ni Julia sa panunuyo ni Joshua. For sure ay 100% haping-happy ang supporters at fans ng dalawa kapag nagkataon!
Sa
darating na Wednesday, August 30 na ang showing ng pelikula with the support of
Cherry Pie Picache, Carmina Villaroel at Ariel Rivera na ang pangako ng
mga JOSHLIA fans ay suportado nila ang pelikula. Congratulations!
No comments:
Post a Comment