Saturday, August 12, 2017

Gerald Anderson alay ang AWOL sa mga lumaban sa Marawi

Ang sequencing for a triathlon at Swim. Run. Bike.  Ito ang order of event ayon sa kuwento ng aktor na si Gerald Anderson sa mga piling press people na naimbitahan para sa media conference ng pelikulang AWOL.
 
Gerald Anderson's 2nd action nflick AWOL after OJT

Kulang daw siya sa practice kahit sabihin pa na halos araw-araw ay nage-ensayo siya.
“Bitin ako sa time. I just came from Toronto (Canada) for ASAP. Kulang sa practice kahit nage-ensayo ka na for so many years, ang one day na hindi ka nag-practice, two days practice ang nawala (backtrack),” kuwento niya.
Mabuti na lang, ang pagiging athletic ni Gerald ay malaki ang naitulong sa kanya sa pisikal na requirements ng latest action film na pinagbibidahan niya.

“This time kasi, ang laki ng scope ng mga action scenes. It’s very physical,” kuwento ni Gerald who plays a member of a special action force, kung saan nag-undergo siya ng training sa mga totoong military men na ang role ng aktor ay nag-AWOL (Absence With Out Leave) at na gusto mag-resbak sa isang pangyayari na nadiskubre niya.
“Kasama ko po talaga ang mga totoong scout rangers at mga sundalo. Every day, nandoon sila sa shoot, yung ginamit namin doon ay hindi props lang. Mga totoong baril ‘yong gamit namin,” kuwento niya over lunch.
  
“I’m thankful sa kanila (mga real military) na nag-train sa amin,” pagpapatuloy niya.
Siksik sa aksyon scenes ang AWOL reason kung bakit na-classify na R-16 ang pelikula niya na may mahalagang role ang aktor na si Bembol Roco Jr. sa takbo ng istorya sa direksyon ni Enzo Williams. 

Naikuwento din nya na dalawa sa mga military trainers niya ay namatay na sa giyera sa Marawi, rason kung bakit inaalay ni Gerald ang pelikula sa lahat ng mga military na nagpo-proteka sa ating mga Pilipino.

Gerald in one of the scene in AWOL
 Kung maaalala pa, first action movie ni Gerald ay ang On the Job (OJT) na dinirek ni Erik Matti. This time, kuwento ng nakapanood na ng AWOL ay sinasabing mala-Jason Bourne ang isang Gerald Anderson sa pelikula. 

Last night, Saturday, August 12 ay nagkaroon ng special screening ang AWOL sa Dolphy's Theater sa ABS-CBN para sa mga piling imbitadom na mga military men.


 Ang pelikula ay  produced ng Skylight and Cine Bro na ire-release ng Star Cinema at mapapanood sa darating na Wednesday, August 16 na bahagi sa all-Filipino filmg festival ng FDCP para  sa kanilang Pista ng Pelikulang Pilipino.

No comments:

Post a Comment