Wednesday, November 29, 2017

Regal Films MMFF 2017 's 'Haunted Forest' inaabangan na

Regal Films' MMFF 2017 entry Hunted Forest with Jon, Mariz, Jne and Jameson
Excited ako sa Regal Films' MMFF 207 entry na "Haunted Forest"".  Sabi ko sa sarili na magiging masaya muli ang mga bata ngayong Christmas Season. Iba kasi kapag may pelikulang kakatakutan na siyang humahataw kadalasan sa takilya kapag Kapaskuhan sa Metro Manila Film Festival.

Basta, walang pretensyon. Walang “for art sake” na drama, ang Pilipino susuporta. Aminin man natin o hindi, last year na ang MMFF 2016 ay flopsina at mababa ang kita kumpara sa taong nagdaan na ratsada ang mga pelikulang walang ilusyon at pretension.

Nahinto man ang Shake, Rattle and Roll series ng Regal last year ay babawi naman sina Mother Lily Monteverde at Miss Roselle Monteverde sa mga manonood ng pelikulang Pilipino tuwing MMFF. Ang nag-iisang horror-suspense movie na Haunted Forest ay kinabibilangan nina Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal at Jon Lucas ay magiging sulit sa manonood at mahilig sa mga ganitong genre na for sure dahil based sa trailer ay matatakot ka na sa pelikula.

Coco Martin's Ang Panday
“What more kapag pinanood mo,” sabi ng isang writer na kausap namin. I’m sure, bongga ang tilian at sigawan nito pag nagkataon.

 Bukod sa Haunted Forest na bet namin ay mapapanood din ng pelikula ni Coco Martin na “Ang Panday” na siya mismo ang nag-direk together with McCoy de Leon at Elisse Joson; “Gandarapido The Revenger Squad” nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

Vice, Daniel and Pia in The Revenger

“All of You “na bida sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado; “Meant to Beh” nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta; “Ang Larawan”  starring Rachel Alejandro, Celeste Legaspi at Paulo Avelino; “Deadma Walking”  at “Siargao” at ang nagiisang horror-suspense film na Haunted Forest.

Derek Ramsay and Jennylyn Mercsdo's All of You
Ngayon pa lang, ang mga bata nagiipon na ng bambayad sa mga pelikula na pipilahan nila sa darating na Dece. 25.

Mayor Goma, happy at drug-free na ang Ormoc City

Mayor Richard Gomez is your working mayor of the city of Ormoc
Kung tutoo ang adhikain mo na mapaganda at maging malinis ang kinasasakupan mo, gagawin mo ang lahay

Kaya nakakatuwang isipin na ang pagtitiyaga at pagsusumikap ng aktor na si Richard Gomez na punong bayan  ng City of Ormoc ay naideklara na rin sa wakas  as the first drug-free city sa kabuunan ng Eastern Visayas na kilala as the “drug capital” ng rehiyon.

Mayor Richard doing his best for Ormoc in a convention in the US of A
Sa pagdedeklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) officer na si Cleaveland Villamore, ang bayan na pinamumunuan ni Mayor Goma, ang 28 barangayas (or baryo) ay idineklara validated ng PDEA na free of illegal drug pushers and users.

Dati na idineklara ang iba pa na barangay ng Ormoc na drug free.

Ayon kay Mayor Goma: “We have regained peace and order in our city. There is no way we will let criminals come back and rule our streets once more.

“I know that the people voted for me as mayor because they were fed up with the drug situation here. I am happy that I have not disappointed them,” pahayag nito recently.

Sa pagbabalita pa ng aktor na mula nang pinamunuan niya ang lunsod ay nadagdagan ang mga sumuko na mga users and pushers.

Sa State of the City Address na ginawa niya recently ay inireport ni Mayor Goma na bumaba ang crime rate sa Ormoc mula nang siya ang nahalal bilang punong bayan ng lunsod.

Mayor Goma  making his State of the City report
Sa report ni Mayor Goma sa kanyang mga constituents ay tatlo lang ang murder cases sa Ormoc. “There were only eight robberies recorded,” mula nang umupo siya as City Mayor compared noon sa panahon ng pamunuan na sinundan niya.

No wonder kung bakit hindi pa rin maka-buwelo si Mayor Goma sa kanyang showbiz career ngayon lalo pa’t ang dami pa rin niya mga responsibilidad  na dapat ayusin sa lunsod at sa kanyang mga kinasasakupan.

Sa huling impormasyon ng aktor sa amin ay mag-uusap na sila ng Star Cinema para sa gagawi niyang pelikula a film outfit.

QC Mayor Herbert Bautista and Coun. Mayen Juico's LGBT Pride March on Dec. 9


Quezon City Mayor Herbet Bautista
bilib ako kay Quezon City Mayor Herbert Bautista. Love niya talaga ang LGBT community na taon-taon ay naglalaan siya ng pondo para sa mga LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender) concerns at and assistance sa lunsod na kanyang pinamumunuan.

Kaya si Mayor Bistik, love ng mga Beks, Tung (lesbians); mujerista (transgenders) at syempre yong mga pa-mhen na ayaw magpabukod who also like men and women na mga Bisexuals.

Sa darating na December 9, magiging ”gay” ang Tomas Morato Ave. area (fronting Rembrant Hotel) kung saan magkakaroon ng iba’t ibang mga activities ang naturang area in celebration of the LGBT Pride March.

With the event title na Pride in QC: Safe and Free ay dadaluhan ng iba’t ibang sectoral LGBT groups and individuals sa Kyusi.

Sa katunayan, iniimbitahan ni QC Dist. 1 Councilor Mayen Juico ang iba’t ibang LGBT individuals and groups to participate sa iba’t ibang mga kalapit lunsod.

QC Dist. 1 Councilor Mayen Juico
Expected to be part of the yearly event na inimbitahan na nila ang kauna-unahang transwoman Congresswoman na si Geraldine Roman at Kuya Boy Abunda na misa sa popular na supporter sa mga LGBT issues and concerns.

As of this writing, ang Mr. Gay World John Raspado ang mangunguna sa QC LGBT Pride March.

Isa sa mga activities na aabangan ng mga makiki-join at magmi-miron sa naturang event ay ang fashion show na magaganap sa gabi ng December 9.

Sa ngayon ay inaayos na ang final schedule of activites on this day. Para sa mga dagdag na detalye, please check the event site in Facebook: www.facebook.com/qcpridemarch.

All-out ang suporta ng McLisee fans sa album launch nina McCoy at Elisse


McCoy de Leon and Elisse Joson

Napabilib ako sa lakas ng suporta ng mga McLisse fans sa kanilang mga iniidolo na sina McCoy de Leon at Elisse Joson.

Pinatunayan nila ito sa pamamagitan ng pagbili ng mga tickets sa show na early last week ay sold-out na prior to the event.

Sa grand album launch ng dalawa na isinagawa sa Skydome last night, Sunday, November 26 ay all seats taken ang mga espasyo sa loob ng show venue.

Hindi magkamayaw ang tilian, hiyawan calling their idols’ name.

McLisse backstage before the launch
Ang maganda sa mga fans ngayon, they support their idols na as far as I know, ang McLisse Worldwide (samahan ng iba’t ibang mga fan group ng dalawa sa buong bansa kasama na sa abroad) ay nag-effort para suportahan ang naturang event.

Kung sina Joshua at Julia ay ibinuko na ni Sharon Cuneta na may “something” ang dalawa, ang akala ko nga ay may aamin na rin ang McLisse.

Sweet "Lovers"?
In fairness, ang ganda ng loveteam nina McCoy at Elisse. Love na love sila ng mga fans nila.

Sa MMFF 2017, sina McLisse ay makakasama ni Coco Martin sa Ang Panday kung saan ang aktor mismo ang nag-direk.

Sa opening number nina McLisse, aprub na kaagad sa amin ang sing and dance production number nila. Sina Marlo Mortel at Kristel Fulgar ay special guests ng dalawa.


Sa dance number ni McCoy ay nakasama niya ang kanyang kapatid at kababata. Mas lumakas ang tilian ng mga girls na fans ni McCoy nang hubarin niya ang suot na jacket at naka-sleeves t-shirt na lang siya.

Spotted at the album launch ng McLisse na present ay sina May May Entrata at Edward Barber. Nandoon ang pamilya ni McCoy gayon din ang pamilya ni Elisse na all-out ang suporta sa kanilang mga anak,

Masaya ang event bukod pa sa good vibes na dala-dala ng tambalan.

Congratulations sa McLisse at sa mga fans nila sa very successful event last Sunday.

Tuesday, November 14, 2017

Pwede na magpakasal: Rhian Ramos, wala pa balak magpatali



Rhian Ramos
Halos karamihan sa mga " beshies" ni Rhian Ramos ay nagsipag-asawa na. Siya na lang yata ang nagpagiiwanan.

Marami ang naiinip na at nagungulit, kalian ba magpapakasal si Rhian sa boyfie niya na si Jason Choachuy?

Pero sa pagiging career oriented ng dalaga, tipong matatagalan pa ang pagaasawa ng niya. Both Rhian and Jason are still enjoying their being “single”.

Jason is 32 years old while Rhian is 27 years old ay hindi pa naman huli kung ang pagbabasehan ay ang bagongn edad ng tamang pagpapakasal.

Rhian with Zanjoe Marudo
Para kay Rhian, she is not in a hurry. “Basta magpapakasal kami,” sabi niya the last time nang makausap namin siya sa presscon ng another hugot film na “Fallback” ni Direk Jason Paul Laxamana na siyang may gawa box-office hit na pelikulang “100 Tula Para Kay Stella”.

Ang bagong hugot movie na pinagbibidahan nina Rhian at Zanjoe Marudo ay produced ng CineKo ay distributed ng Star Cinema.
 
Sa trailer ng pelikula na napanood namin, mukhang mage-emote na naman ang mga moviegoers kapag napanood nila ang pelikula simula today, November 15 tulad sa pagtangkilik ng mga Pinoy sa “Emo Movies” sa Kita Kita (Empoy Marquez at Alessandra de Rossi) at itong movie nina Bela Padilla at JC Santos na 100 Tula…


Sa "Fallback", makakasama nina Rhian at Zanjoe sina Daniel Matsunaga, Lemuel Pelayo, Techie Agbayani at Marlo Mortel.


Sylvia Sanchez is the "aswang" in the city in Nay

Before 12 noon pa lang ay sold-out na ang mga tickets para sa gala premiere ng Cinema One Originals Film Festival 2017 entry na “Nay” ng aktres na si Sylvia Sanchez na isinagawa last Monday evening (Monday, November 13) sa Trinoma Cinema 2.

Dahil sa kakulangan ng ticket at sa kagustuhan ng marami na mapanood for the first time ang first ïndie film ni Ibyang (tawag namin sa kanya) as a modern “aswang” in the Metro, maging siya ay nagka-problema that evening bago magsimula ang screening dahil madami sa mga kaibigan niya na inimbitahan ay walang nakuhang mga tickets minutes prior to the gala.

Sylvia with co-stars Jameson Blake and E nchong Dee with FDCP Chair Liza Dino
Spotted na sumuporta sa aktres at sa mga co-star niya na snai Enchong Dee (as Martin – her alaga) at Jameson Blake ( as Enchong’s bestie and cousin)  at ang mag-asawa na National Youth Commission (NYC) Chair Aiza Seguerra and Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Aiza Seguerra. Ang anak niya na si Ria Atayde who came straight from ”Fallback” special screening; Sylvia’s husband businessman Art Atadye and mother-in-law na todo support sa aktres na si Tita Pilar, kids Gela and Xavi na si bunso naman after watching the film told her mom na “bad” daw ang aktres sa karakter nito sa pelikula dahil si Sylvia ay kumakain ng tao. Sayang at wala si Arjo Atayde (baka may taping ng bago nilang serye sa Kapamilya Network).

Si Quezon City Mayor Herbert Bautista was present dahil ang anak na si Harvey Bautista played the teen Martin; social activist Juana Change, actor Efren Reyes and comedian Dennis Padilla, Ogie Diaz at marami pang iba.
 
Nay with daughter Ria Atayde
Sa katunayan, nagpaalam lang si Sylvia last Monday from her teleserye taping para makadalo sa gala ng movie niya na right after the screening at konting photo-op ay bumalik na siya kaagad sa trabaho niya.
 
Palabas ang Nay sa mga sumusunod na mga sinehan: Nov. 15 (Cine Adarna-UP and Gateway Mall); Nov. 16 Cinematheque and Cinema 76); November 17 (Cinamatheque); November 18 (Trinoma, Glorietta & Gateway); November 19(Cinema 76); November 20 (Glorietta and Gateway); November 21 (Trinoma); November 24 & 26 (Powerplant) and November 26 & 27 (Black Maria).

Congratulations Ibyang, Jameson and Enchong at ganun din kay Direk Kip Oebanda. Yes, it’s a horror-supense äswang with a twist.

For screening timing and other information, please check-out C1 Original secretariat.

Zando Marudo, aminado na may naging "fallback" sa kanyang dating ka-relasyon

Zanjoe Marudo
May naging ka- “Fallback” din pala si Zanjoe Marudo na siyang tema ng bagong pelikula ni Z na mapapanood na simula today, Wednesday, November 15.

Aminado din si Z na may naging reserba din pala siya noong kabataan niya.
Ang diskription ng “fallback” ay reserba ng isang lalaki o babae sa current relationship niya na nasa alanganin. Reserba na paninigurado lang na mapapagtuunan ng pansin at panahon (sometimes ay love) para hindi masyado masakit kapag nagkahiwalay.

Pero si Z, ang babaeng ginawa niyang reserba or fallback ay nakatuluyan niya as her girlfriend.
Pagpapaliwanag ni Z tungkol sa fallback girl niya: “Hindi ko siya ex. Parang ka-mutual understanding (M.U.) ko, then may gusto akong iba. Parang na in love ako sa ibang babae. Teenager pa ako noon.

Zanjoe with lRhian Ramos in Fallback
“M.U. kami tapos parang na in love ako dun sa girl. Tapos noong hindi natuloy, noong parang nagkaproblema, hindi nagwork. Tinuloy ko, parang yun yung naging girlfriend ko,” kuwento niya.
Sa bagong pelikula ng binata together with Rhian Ramos, Z plays the ex-boyfie of Rhian na current girlfriend naman ni Daniel Matsunaga na ang relasyon ng dalawa ay on the rocks.

Ang bagong millennial love and romance film áy dinirek ni Jason Paul Laxamana na nagdirek ng “100 Tula para kay Stella” na pinilihan ng mga bagets na gusto ma-in love at currently ay in love ay produced ng CineKo Productions at distributed ng Star Cinema.

Yesterday (Tuesday) ay umalis si Z patunong Amerika para dumalo sa Emmy Award na magaganap sa November 20 sa New York City.

Nomindo siya sa kategoryang Best Performance by an Actor for the drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) on the Halloween episode na ipinalabas noong 2016.

Zanjoe left for the US yesterday  for the Emmy Award on the 20th in New York
Excited pa naman si Z sa magiging feedback ng manonood sa pelikula nila ni Rhian together with Lemuel Pelayo, Cai Cortes, Ricky Davao, Marlo Mortel and Miss Tetchie Agbayani.

Monday, November 6, 2017

Kim Chiu, suportado ng mom ni Xian Lim sa pelikula niya na The Ghost Bride



Kim Chiu at the block-screening sponsored by KATG

Tatahi-tahimik man ngayon sina Kim Chiu at Xian Lim, ang hindi alam ng nakararami(lalo na ang mga hindi naman nila mga fans at supporters); connected pa rin ang ang dalwa sa isa’t isa.


Hindi man sila magkasama ngayon sa mga projects like teleserye and movies; ang hindi alam ng nakararami na on the personal side, “super connect” pa rin sila tulad ng dati or mas mahigipit pa na hindi na lang naibabalita sa print or online.
 
Kim gets a kiss from "boyfie" Xian

But yesterday, Monday, November 6, sa imbitasyon ng fan group nina KimXi  na KATG sa block screening ng super box-office hit ng pelikula ni Kim na “The Ghost Bride” naimbitahan kami ng grupo ni Gen Young na hindi nakakalimot sa amin tuwing mayroong events ang grupo nila.


The special screening held at the Directors Club Cinema of SM Megamall Fashion Hall yesterday evening, we had the chance for a short interview with Kim na super happy sa suporta ng fans niya at ng public sa pelikula nila na on its first day ay humakot ng P14.3 Million sa box-office and still counting up to this day.
           
Sayang nga lang, sa 2nd screening that evening, bumalik si Kim together with Xian’s mom Maty Ann na nanood kasama ng dalaga.

Dahil sa hectic schedule ng binata who was present sa invitational screening last November 1, this time ang mom naman ni Xi ang nasa block screening to support Kim and at the same time ay proxy ng boyfie ng dalaga.
 
Kim with Xian's mom Mary Ann

Yes, boyfie ni Kim si Xian. Basta ako, no need for a verbal confirmation mula sa dalawa kung ayaw man ikumpirma nila ang estado relasyon nila. 

Sa grupong KATG na walang sawa na sumusuporta kina Kim at Xian, huwag lang bibitaw sa mga idols ninyo. Congrats sa mga effort ninyo para sa kanila.