McCoy de Leon and Elisse Joson |
Napabilib ako sa lakas ng suporta ng mga McLisse fans sa kanilang mga iniidolo na sina McCoy de Leon at Elisse Joson.
Pinatunayan nila ito sa pamamagitan ng pagbili ng mga tickets sa show na early last week ay sold-out na prior to the event.
Sa grand album
launch ng dalawa na isinagawa sa Skydome last night, Sunday, November 26
ay all seats taken ang mga espasyo sa loob ng show venue.
Hindi magkamayaw ang tilian, hiyawan calling their idols’ name.
McLisse backstage before the launch |
Kung sina Joshua at
Julia ay ibinuko na ni Sharon Cuneta na may “something” ang dalawa, ang
akala ko nga ay may aamin na rin ang McLisse.
Sweet "Lovers"? |
In fairness, ang ganda ng loveteam nina McCoy at Elisse. Love na love sila ng mga fans nila.
Sa MMFF 2017, sina McLisse ay makakasama ni Coco Martin sa Ang Panday kung saan ang aktor mismo ang nag-direk.
Sa opening number
nina McLisse, aprub na kaagad sa amin ang sing and dance production
number nila. Sina Marlo Mortel at Kristel Fulgar ay special guests ng
dalawa.
Sa dance number ni
McCoy ay nakasama niya ang kanyang kapatid at kababata. Mas lumakas ang
tilian ng mga girls na fans ni McCoy nang hubarin niya ang suot na
jacket at naka-sleeves t-shirt na lang siya.
Spotted at the
album launch ng McLisse na present ay sina May May Entrata at Edward
Barber. Nandoon ang pamilya ni McCoy gayon din ang pamilya ni Elisse na
all-out ang suporta sa kanilang mga anak,
Masaya ang event bukod pa sa good vibes na dala-dala ng tambalan.
Congratulations sa McLisse at sa mga fans nila sa very successful event last Sunday.
No comments:
Post a Comment