Halos
karamihan sa mga " beshies" ni Rhian Ramos ay nagsipag-asawa na. Siya na lang yata ang nagpagiiwanan.
Marami ang naiinip na at nagungulit,
kalian ba magpapakasal si Rhian sa boyfie niya na si Jason Choachuy?
Pero sa pagiging career oriented ng
dalaga, tipong matatagalan pa ang pagaasawa ng niya. Both Rhian and Jason are still enjoying their
being “single”.
Jason is 32 years old while
Rhian is 27 years old ay hindi pa naman huli kung ang
pagbabasehan ay ang bagongn edad ng tamang pagpapakasal.
Para kay Rhian, she is not in a
hurry. “Basta magpapakasal kami,” sabi niya the last time nang makausap namin siya sa presscon ng another hugot film na
“Fallback” ni Direk Jason Paul Laxamana na siyang may gawa box-office
hit na pelikulang “100 Tula Para Kay Stella”.
Ang bagong hugot movie na
pinagbibidahan nina Rhian at Zanjoe Marudo ay produced ng CineKo ay distributed
ng Star Cinema.
Sa trailer ng pelikula na napanood
namin, mukhang mage-emote na naman ang mga moviegoers kapag napanood nila ang pelikula
simula today, November 15 tulad sa pagtangkilik ng mga Pinoy sa “Emo Movies” sa Kita Kita
(Empoy Marquez at Alessandra de Rossi) at itong movie nina Bela Padilla at JC
Santos na 100 Tula…
Sa "Fallback", makakasama nina Rhian at Zanjoe sina Daniel Matsunaga, Lemuel Pelayo, Techie Agbayani at Marlo Mortel.
No comments:
Post a Comment