Zanjoe Marudo |
Aminado din si Z na may naging reserba din pala siya noong kabataan niya.
Ang diskription
ng “fallback” ay reserba ng isang lalaki o babae sa current relationship
niya na nasa alanganin. Reserba na paninigurado lang na mapapagtuunan
ng pansin at panahon (sometimes ay love) para hindi masyado masakit
kapag nagkahiwalay.
Pero si Z, ang babaeng ginawa niyang reserba or fallback ay nakatuluyan niya as her girlfriend.
Pagpapaliwanag ni
Z tungkol sa fallback girl niya: “Hindi ko siya ex. Parang ka-mutual
understanding (M.U.) ko, then may gusto akong iba. Parang na in love ako
sa ibang babae. Teenager pa ako noon.
Zanjoe with lRhian Ramos in Fallback |
“M.U. kami tapos
parang na in love ako dun sa girl. Tapos noong hindi natuloy, noong
parang nagkaproblema, hindi nagwork. Tinuloy ko, parang yun yung naging
girlfriend ko,” kuwento niya.
Sa bagong
pelikula ng binata together with Rhian Ramos, Z plays the ex-boyfie of
Rhian na current girlfriend naman ni Daniel Matsunaga na ang relasyon ng
dalawa ay on the rocks.
Ang bagong
millennial love and romance film áy dinirek ni Jason Paul Laxamana na
nagdirek ng “100 Tula para kay Stella” na pinilihan ng mga bagets na
gusto ma-in love at currently ay in love ay produced ng CineKo
Productions at distributed ng Star Cinema.
Yesterday (Tuesday) ay umalis si Z patunong Amerika para dumalo sa Emmy Award na magaganap sa November 20 sa New York City.
Nomindo siya sa
kategoryang Best Performance by an Actor for the drama anthology na
Maalaala Mo Kaya (MMK) on the Halloween episode na ipinalabas noong
2016.
Zanjoe left for the US yesterday for the Emmy Award on the 20th in New York |
Excited pa naman
si Z sa magiging feedback ng manonood sa pelikula nila ni Rhian together
with Lemuel Pelayo, Cai Cortes, Ricky Davao, Marlo Mortel and Miss
Tetchie Agbayani.
No comments:
Post a Comment