Mayor Richard Gomez is your working mayor of the city of Ormoc |
Kung tutoo ang adhikain mo na mapaganda at maging malinis ang kinasasakupan mo, gagawin mo ang lahay
Kaya nakakatuwang isipin na ang pagtitiyaga at pagsusumikap ng aktor na si Richard Gomez
na punong bayan ng City of Ormoc ay naideklara na rin sa wakas as the
first drug-free city sa kabuunan ng Eastern Visayas na kilala as the
“drug capital” ng rehiyon.
Mayor Richard doing his best for Ormoc in a convention in the US of A |
Sa pagdedeklara
ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) officer na si Cleaveland
Villamore, ang bayan na pinamumunuan ni Mayor Goma, ang 28 barangayas
(or baryo) ay idineklara validated ng PDEA na free of illegal drug
pushers and users.
Dati na idineklara ang iba pa na barangay ng Ormoc na drug free.
Ayon kay Mayor
Goma: “We have regained peace and order in our city. There is no way we
will let criminals come back and rule our streets once more.
“I know that
the people voted for me as mayor because they were fed up with the drug
situation here. I am happy that I have not disappointed them,” pahayag
nito recently.
Sa pagbabalita pa ng aktor na mula nang pinamunuan niya ang lunsod ay nadagdagan ang mga sumuko na mga users and pushers.
Sa State of the
City Address na ginawa niya recently ay inireport ni Mayor Goma na
bumaba ang crime rate sa Ormoc mula nang siya ang nahalal bilang punong
bayan ng lunsod.
Mayor Goma making his State of the City report |
Sa report ni
Mayor Goma sa kanyang mga constituents ay tatlo lang ang murder cases sa
Ormoc. “There were only eight robberies recorded,” mula nang umupo siya
as City Mayor compared noon sa panahon ng pamunuan na sinundan niya.
No wonder kung
bakit hindi pa rin maka-buwelo si Mayor Goma sa kanyang showbiz career
ngayon lalo pa’t ang dami pa rin niya mga responsibilidad na dapat
ayusin sa lunsod at sa kanyang mga kinasasakupan.
Sa huling impormasyon ng aktor sa amin ay mag-uusap na sila ng Star Cinema para sa gagawi niyang pelikula a film outfit.
No comments:
Post a Comment