Ian Veneracion |
Multi-talented si Ian Veneracion. Bukod sa
pagiging isang pintor at pagiging isang mahusay na aktor ay isa din
siya musikero. He plays the guitar and the piano na siyang isa sa mga sangkap sa
kanyang first solo major concert na “Ian
in 3 Acts” na mapapanood tonight ,April 21 (Saturday) na mangyayari sa Pacific Grand
Ballroom ng Waterfront Cebu Hotel at sa Newport Performing Arts ng Resorts
World Manila on May 13.
Kampamte ang aktor sa magaganap sa
kanyang concert: “I am not nervous with the performance part. I am ready for
it," sabi niya.
Sa kanyang show mamayang gabi, he will perform
songs of Cat Stevens, Christopher Cross, Phil Collins, Eric Clapton at ang isang
personal favorite ko na, “Englishman in New York ni pamosong si Sting.
Pangako ni Ian sa mga fans and
followers niya na manonod: “Just give me a chance and I guarantee you a good
time. I am comfortable with my performance.
“I
can’t blame people if some will be skeptical. They might think I am just one of
those actors who is pretending to be a singer. I can’t blame them for thinking
that way,” sabi pa niya.
Dagdag
pa ni Ian na panigurado, his fans will enjoy the show na para a kanya: “It’s
personal to me. It’s my music and how I want it done. This is not just the
pa-cute side of me. What they will hear is my artist side in music. Even if I
will be doing covers, I will give it my own stamp,” paga-assure pa niya.
Sa kanyang dalawang concert ay guest ni Ian ang
baguhan na si LA Santos na isa sa mga promising newbie natin sa music scene.
No comments:
Post a Comment