Goodbye
na nga ba si Liza Soberano sa pantaseryeng Bagani kung saan ang role ni Ganda ang ginagampanan niya.
Noong simula palang ng pagte-taping
ng naturang serye ay sa unang bahagi lang ang magiging presence ng dalaga ayon
sa kuwento sa amin noon ng manager niyang si Ogie Diaz noong nagsisimula pa
lang sila nagte-taping ni Enrique Gil sa Ilocos.
Ngayon
na magsisimula na ang shooting Darna at ang kampo ni Direk Erik Matti ay handa
na, bye bye Bagani na kaya muna ang dalaga.
Ang gusto kasi ni Direk Erik ay
walang nilalagare ang mga artista niya sa pelikula na makakaabala ito sa
konsentrasyon ng mga artista niya.
Kung
may serye ka, mahabaan ang taping na madaling araw na matatapos na sa paguwi
mo, sikat na ang araw na magiging rason na lalamya-lamya ka sa shooting na kung
mamalasin. Dahil sa pagod ay baka magkasakit ka pa at magiging rason ng
pagkabalam ng project.
From an insider
info, pinapa-diet na si Liza ni Direk Erik para ma-achieve nito ang tama nat
perfect na pangangatawan na nasa pamanytayan ni Direk para sa karakter ng isang
Darna.
Sa
katunayan, sa paglisan ni Liza sa pantaserye, mas excited ang mga fans ng
dalaga sa bagong project nito as Darna.
Hindi lahat ng artista
na nangangarap maging Darna ay nabibigyann ngmpagkakataon. Goodluck Liza.
No comments:
Post a Comment