Ormoc City Mayor Richard Gomez |
Nakakatuwa isipin na ang tulad ng aktor na si Richard Gomez ay pansamantala nawala sa showbiz para maging lingkod bayan ng Ormoc City na dahil ang galing niya sa showbiz at pagmamahal niya sa kanyang craft ay naitawid naman niya ng tama para naman sa kanyang mga constituents.
Kumbaga, ang disiplina ng isang artistang
Richard Gomez ay dala-dala niya as a hard working Mayor ng Ormoc.
Happy kami sa nababalitaan namin na
mga magagandang ginawa at ginagawa ni Mayor Goma sa kanyang mga kababayan.
Ayon sa kuwento sa amin recently ng isang
kaibigan na si Marianne Malinao- Tismo na owner ng Amkor Travel sa taga-Ormoc, since si
Mayor Goma ang namuno at naging public servant ng lunsod, sunod-sunod na ang
pagangat ng bayan nila. “Mama, mas umunlad kami. Wala na yong mga addict at
pusher sa Ormoc. Pwede ka na maglakad sa gabi na hindi ka matatakot,” kuwento ni
Mariane sa amin.
Recently ay inilunsad ang isang kilalang shopping mall sa Ormoc
kung iisipin mo na sa dami ng pinagdaanan ang lunsod sa kaliwa't kanan na mga kalamidad ay umahon sila.
Mula sa malalakas na bagyo at
lindol, survivor ang lunsod at mga taga-Ormoc sa pamumuno ng isang Mayor Richard Gomez.
Happy si Mayor Goms sa buhay niya sa Ormoc. Masaya ang mga taga-Ormoc
Pero ang mga fans niya na wala pa rin
humpay na naghihintay sa pagbabalik aktibo niya muli sa showbiz. Naghihintay sila kung kailan matuunan ng pansin ng aktor na muli maging aktibo sa kanyang career bilang artista.
Suggestion nga ng iba, why not do a
teleserye na on weekdays ay nasa Ormoc siya to work as Mayor at on weekend ay
nasa Manila siya para mag-taping.
If he works from Monday to Friday as
city Mayor, ang Saturday and Sunday naman ay para sa taping niya for his serye
as an artista.
At least mukhang fair komento ng
isa. What do you think Mayor Goms?
No comments:
Post a Comment