Friday, April 20, 2018

Ian Veneracion sinigurado na mage-enjoy ang mga fans sa kanyang concert bukas sa Cebu

 
Ian Veneracion

Dapat noon pa ginawa niya ito. Long over due na talaga na dapat makilala ng publiko  ang isa pang talent ng “Papa ng Bayan” na si Ian Veneracion at ito ay ang pagiging isang singer.

Yes, iilan lang kasi ang nakakaalam na bukod sa pagiging isang magaling na aktor , isa din siyang singer, tumutugtog ng guitara at piano na bukod syempre sa impluwensya ng kanyang visual artist na ama na si Roy Veneracion, isa din si Ian na magaling na pintor.
Mula nang maging aktibo muli sa pag-arte ay nabuhay muli ang fandom ng aktor na halos karamihan kung hindi man lahat ay mga young moms at mga lolas na kinikilig sa kanya.

As a singer, aminado si Ian na nabugnot na siya sa pagli- lip-synch noon tuwing may mga out of town guestings siya.

Kung may talent ka naman sa pag-kanta at hindi naman sintonado, bakit mo naman itatago?

Kuwento ng actor-singer-performer recently: “Na-burn out ako. Kasi, puro lip synch ang ginagawa ko. And it came to a point na ayaw ko na talaga gawin. Kasi, it felt unreal.”

Kaya swerte naman at nang ma-meet ng aktor si Flor Santos( the mom of newbie LA Santos) and Ms Nectar Endaya ay nabuo ang “Ian in 3 Acts” concert niya na magsisimula bukas, April 21 sa Cebu Waterfront Hotel and May 13 at the Resorts World Manila.

Sa show, makikilala ng publiko na si Ian ay hindi lang isang artista kundi isang multi-talented na performer din who can play the piano while singing or perform with his guitar.

In the concert, singer LA Santos will be Ian’s special guest.

I’m sure, ang mga fans ni Ian sa Cebu ay super excited na to see him perform. “Basta, this will be an exciting show with lots of surprises,” panigurado niya.

No comments:

Post a Comment