Thursday, April 19, 2018

Sylvia Sanchez goodbye na muna sa showbiz?


Sylvia Sanchez
Break muna si Sylvia Sanchez sa kanyang trabaho sa telebisyon sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang afternoon serye sa Kapamilya Network kung saan ang panganay na anak na si Arjo Atayde ay kasama niya sa unang pagkakataon na mas mahaba-haba ang mga roles nila at karakter.

Paniwala ni  Ibyang (tawag namin sa aktres) ay baka magsawa ang televiewers sa kanya. “I’m sure kapag mayroong isa after nito, magsasawa na ako sa trabaho and ayaw kong mangyari yun."

 
Sylvia with son Arjo Atayde
Paniwala niya, kung palaging ganun ang role niya sa dalawang magkasunod na serye tulad ng The Greatest Love bilang si Gloria na may Alzheimer at itong magtatapos hanggang sa Friday, April 27 na papatay para sa kanyang anak ay kailangan na nga ng aktres ng break.
“I’m sure kapag mayroong isa after nito, magsasawa na ako sa trabaho at ayaw kong mangyari yun.

“Ayaw kong naka-box, gusto ko maiba naman. Gusto ko pagbalik ko iba itsura, gusto ko ibang-iba,” kuwento ng aktres sa finale presscon ng serye.
 
Dagdag niya: “Honestly, don’t get me wrong. Thankful ako na naging Sonia-Gloria ako, yun nga napag-usapan namin ni direk na mag-offer ako ng panibagong atake,” sabi ni Ibyang.

No comments:

Post a Comment