Sofia Romualdez |
Unang ko narinig na kumanta ang baguhan na si Sofia Romualdez na kumanta ng live at hindi lip-sync sa digital single launch niya last week na naganap sa ballroom ng Manila Polo Club.
Yes, may tulog ang mga sinasabing nagka-Gold or Platinum
Record Award ng mga artista na nagiging ndinger-singeran na mapapatunayan mo
lang talaga kung sino ang may boses sa wala. Kung sino ang singer na lam mo
mayn boses kaysa s mga “singer” na nagpupumilit lang talaga kumanta at
magka-record para maturingan sila na singer din nsila bukod sa pagiging
artista.
Sus! Ang dami nila na ang pagkanta ay idinadaan na lang sa
kembot at pagpapaseksi on stage while performing but with her talent in
singing (and composing songs na rin);
iba ang isang Sofia Gonzales-Romualdez na panganay na anak ng incumbent
Tacloban City Mayor Cristina Gonzales at dating Mayor ng lunsod na si Alfred Romualdez.
Personally, nagustuhan ko si Sofia. Habang kumakanta siya on
stage ay nakapikit ko. Ninanamnam ko ang boses niya na pakiwari ko’y isang
foreign singer ang pinapakingan ko.
Bata pa si Sofia. She was only 15 years old nang madiskubre
ng mga magulang niya na mahilig siya kumanta.
Now that she’s 18 years old, nag-decide ang mga parents ni
Sofia na i-launch ang singing career ng anak.
Una nakilala si Sofia with the song Pikit Mata with Viva
Recoeds two years ago na narining sa pelikulang Fan Girl, Fan Boy na
pinagbidahan nina Ella Cruz at Julian Trono ang youth oriented movie na yun.
Now she’s back with a new composition” Thinkin Of U”.
May pinagmanahan naman si Sofia dahil dati ring singer ang
mom niya pati na ang kanyang lolong si Jose Marie Gonzales na ama ni Cristina.
During the launch ay inamin ng dalaga na kahit bata pa lang
siya ay kumakanta-kanta na siya sa kanyang room. Sabi niya: “I always love to
sing since I was young, it was more of like a hobby, but I’ve never really
like, told everyone that I could sing,” kuwento ng dalaga.
No comments:
Post a Comment