Tuesday, February 28, 2017

Kiko Estrada happy at walang pagsisisi sa hiwalayan nila ni Barbie

Zero ang lovelife ng baguhang si Kiko Estrada. Sa mga hindi nakaaalam, ang binata ay anak ni Gary Estrada (isa sa mga chickboy ng kanyang panahon) at ng magandang si Cheska Diaz (dating bagets star na kapatid naman ni Joko at anak ng namayapang si Paquito Diaz).

Kiko Estrada
Ang tsika kasi, hindi okey ang naging ending ng relasyon nila ni Barbie Fiorteza. Pero may depensa  agad ang binata. “Well, it’s the right love at the wrong time,” paliwanag niya sa press.

Dagdag ni Kiko, “Wrong time because I have work. I had ‘Sinunga­ling Mong Puso’ and then, I had to go to the gym. It’s my first lead role, so I have to focus and I won an award for that lead role. So, I don’t regret my decisions.

Between love (with Barbie) at sa magandang itinatakbo ng career niya ngayon, mas pipiliin niya ang pinaghihirapang career. “I guess Barbie and I would chose career over love.”    
    
Sa nasabing horror film, kapareha niya ang Star Magic talent na si Devon Seron, kasama din sina Albie Casiño at Charise Castro (bagong Regal Baby) ;nat Joseph Marco at Sofia Andres.

Ang pelikula ay first horror movie ng magaling na si Jason Paul Laxamana na mas nakilala sa mga seryosong pelikula at romcom.

Kiko with Devon Seron
 Ang taong 2017 ay masasabing maganda para sa binata dahil kasama rin siya sa pantaseryang Mulawin versus Ravenan.

Pero may mensahe si Kiko na gustong iparating sa ex-girlfriend, “I loved her (Barbie) so much. Nagkulang ako sa panahon, I guess. I’m sorry for all my shortcomings. But it’s not my fault. I did not do anything wrong. I didn’t disrespect her. I loved her so much. I didn’t cheat on her!” pagkaklaro ng binata sa isyu.

Dagdag pa na paliwanag ni Kiko, “Hindi naman ako nang-iwan. So I don’t get why people are blaming me. I did not do anything wrong. I didn’t break up with her. I love her until now.”
Ang binata, may hugot sa nangyari sa kanilang relasyon ni Barbie . “My love for her is more than a break up.”

For now, single si Kiko. Set aside muna ang kanyang lovelife for the sake of his career.

Ang Pwera Usog ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula March 8.

Sofia Andres at Diego Loyzaga sila na ba?

Parang shock absorber si Sofia Andres ng kanyang “kaibigan” na si Diego Loyzaga na almost 3 weeks ago ay binanatan ang amang si Cesar Montano sa kanyang social media account, dahil sa kapabayaan diumano ni Buboy sa kanyang responsibilidad sa kanya bilang anakat ang pag-aakusa sa kanya na dependent or user ng ipinagbabawal na gamot ang binatang aktor.

Sofia Andres (Photo by Nikole PM)
 Sa rant ni Diego kay Cesar, wasak na wasak ang ama. Hugot na hugot si Diego na maging si Sofia, naiintindihan niya ang dinadalang problema ng binata.

Ayon sa kuwento ni Sofia sa grand media conference kamakailan ng pelikula niya sa Regal Films na “Pwera Usog” ay iyak daw ng iyak ang kaibigan niyang si Diego sa nangyari sa kanila ng ama.

“I believe na hindi siya nagda-drugs as what other people say,” depensa ng sinasabing rumored girlfriend ng binata.

Dagdag pa ni Sofia na si Diego ay regular na nagpupunta sa gym para patunayan lang na malinis siya at hindi gumagamit ng drugs tulad sa akusasyon ni Cesar sa anak.

Sa ngayon, ayaw pa rin i-confirm ng dalaga ang tutoong estado nila ng binata kahit kabi-kabila ang tsismis na sila na ang magka-relasyon ni Diego.

'"Hindi pa. Career muna,"sabi niya.

Pero may wish ang dalaga para sa ka nyang "kaibigan: na  sana raw ay malagpasan ni Diego ang kritikal na pinagdaraanan nito. Gusto ng dalaga na lumabas ang katotohanan, na ang “kaibigan” niya ay hindi user ng mga ipinagbabawal na gamot.

The cast of "Pwera Usog" (Photo by Jing Javier)
 Sa ngayon, set aside muna kay Sofia ang usaping "love life."Career po muna. Busy sa promo ng Pwera Usog kaya wala talaga time. Basta, I enjoy Diego's company.

Ang "Pwera Usog "ang kauna-unahang horror film ng magaling na si Direk Jason Paul Laxamana na mas kilala sa mga pelikulang seryoso ang tema at mga romcom. Sa pelikula kapartner ng dalaga si Joseph Marco.

Mapapanood na nationwide ang  pelikula next week, March 8 sa mga sinehan nationwide.

Monday, February 27, 2017

Social media account ng Regal Films pinakialaman ng mga hackers

Sosyal ang online promotion and publicity arm ng Regal Films, na-hack! Parang Hollywood na ang mga kompanya sa abroad, na napapasok ng mga hackers.

Morher Lil;y & Ms. Roselle Monteverde
Ayon sa lady producer ng Regal Films na si Ms. Roselle Monteverde, ang social media account ng Regal Films sa Instagram ay napakialaman. “Para namang isa kaming US company na hina-hack! Very useful pa naman ang IG namin sa social media promotions ng movie namin,” kuwento ng producer na nanghihinayang sa ilang araw na pagkakaroon ng problema ng IG nila. Ngayon pa na kailangan nilang mag-promote ng kanilang horror movie na “Pwera Usog” na mapanonood na sa March 8 na pinagbibidahan nina Sofia Andres, Albie Casiño, Devon Seron, Joseph Marco, at ang baguhang si Charise Castro.


Pati pamimirata, laganap na rin pala online (social media) dahil recently, ang pelikulang “Die Beautiful” na bida si Paolo Ballesteros, may mga free links na makikita online (IG, Twitter, at Facebook) na mapanonood mo nang libre sa smart phones, personal computers, o sa mga tablet.

Ms. Roselle with Paolo Ballesteros of Die Beautiful
Sa ganang akin, hindi nga fair ito sa Regal, gayong sila ang namuhunan.
Hopefully, maayos na ang problema ng hacking na ito.

Ang paninindigan ni John Lloyd Cruz para sa "Kapayapaan"

Bilib kami sa mga artistang may balls. May “bayag”, kumbaga. Yes, meaning, mga artista na may gustong sabihin at mensaheng itinatawid na sa panahon ng ligalig, paninindigan nila kung ano man ang paniwala nila.

John Lloyd Cruz
Kaya nga nang maglabas ng litrato
sa social media ang human rights group na Karapatan last Wednesday afternoon, napabilib kami sa aktor na si John Lloyd Cruz na hindi nagdalawang-isip na hawakan ang karatula na nakasulat ang short message na “I Am An Artist For Peace”.Panawagan ni Lloydie, kasama ang iba pang mga artista tulad nina Joel Torre at Nora Aunor na ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan, na mula nang mag-back-out si President Rodrigo Duterte sa peace negotiation ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) with the National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang mga tunay na nagmamahal sa bayang Pilipinas (indibiwal man o grupo) na naniniwala sa kapayapaan, kumikilos sa sarili nilang kakayahan at effort para bigyan ng pangalawang pagkakataon ang pag-uusap para sa pagpigil sa “all out war” ng presidente mo.

 Sa short chat namin last week with Karapatan’s Sec. Gen. Tinay Palabay on John Lloyd’s photo circulating sa social media, sabi niya sa amin, “He was in a forum kanina (Wednesday) when members of Karapatan and Tudla, who have embarked on a video project to interview people on their thoughts on just and lasting peace and the GRP-NDFP peacetalks, approached him. We already released a video of Nora Aunor yesterday.

"We will release the video of John Lloyd’s interview. Marami pa po ang videos na kasunod ng iba’t iba pang tao – artists, peace and human rights advocates, workers, urban poor, kids, etc.”

Isang brave stand ito para kay Lloydie, na ang popularidad niya bilang isang artista ay nagagamit niya para sa awareness ng isyu at adbokasiya sa mga isyung pinaniniwalaan niya.

Mabuhay ka, John Lloyd Cruz!

Thursday, February 16, 2017

Ano ang gift ni James kay Nadine sa anniversary nila at Valentine's Day?

Nag-celebrate ng kanilang 1st anniversary sina Nadine Lustre at James Reid last Saturday, February 11.
 
Nadine Lustre & James Reid
So far, oks naman ang naging takbo ng relasyon nila sa loob ng isang taon. Walang masyadong intriga. Wala masyadong isyu o away na ang ending, sa social media nila ipinapagpag ang kanilang pag-e-emote, reason na lalong gumugulo ang isyu na marami na ang nakikisawsaw.
Sa selebrasyon ng unang taon ng kanilang pagmamahalan, dapat magne-nature tripping sila at magha-hike sa Mt. Pulag sa Itogon, Benguet. Kaso, biglang nagbago ang plano ng dalawa, kung kaya’t  sa araw ng kanilang “love anniversary”, lumipad ang dalawa puntang Japan.
 
JaDine

Sweet na boyfie pala si James kay Nadine, kung saan may hawak-hawak siyang three red balloons at nagsabi ng “Thank Love!” na mapanonood sa kanyang Instagram story.

Curious lang ako. Ano kaya regalo ng binata sa kanyang “love” na si Nadine sa anniversary nila at nitong nakaraang Valentine's Day?

Ang paandar ni Daniel kay Kathryn noong Araw ng mga Puso

Hindi ko alam kung ano ang naging regalo ni Daniel kay Kathryn Bernardo noong nakaraang Valentine's Day. Guest kasi si DJ sa V Day concert ni Vice Ganda kaya di ko sure kung natuloy ang pahabol niyang date sa dalaga.

Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
Sa interbyu namin kay DJ last Sunday sa Star Magic @ 25 Thanksgiving presson sinabi nito na “Sa Valentine’s Day, may concert lang si Vice (Ganda), so daraan muna ako roon and then paplanuhin ko nang malupit ang pambawi ko kay Kathryn,” pagmamalki pa ng binata.
Noong kausap namin siya ay ayaw i-reveal ng binata kung ano ang plano niya sa mahalagang araw ng mga lovers.
Sabi nga niya, “‘Di ko pa alam kung paano ko gagawin, basta kailangang kayanin ng schedule at alam kong pasok na pasok ‘yun.”

Ang kapareha na si Kathryn naman ay walang expectations sa date nila ni DJ.
Pero ang binata, may pahabol. “Kailangan galingan ko. Kasi para sa lahat ng babae, espesyal talaga ang Valentine’s Day sa kanila,” kuwento niya.
Sabi ni Daniel na for sure ay lalong mae-excite si Kathryn kung ano man ang gagawin niya.
“Siguro dapat laging ano lang, hihigitan mo ‘yung ginawa mo last year,” sabi nito.
 
KathNiel
Last year umamin si DJ na exclusively dating na sila ng dalaga.
Tulad ng karamihan sa millennials, ang “exclusively dating” status nila ay parang M.U. o mutual understanding na lengguwahe noong 90’s.
Sa ngayon, ang dalawa ay naghahanda ng kanilang pang-limang pelikula na “Can’t Help Falling In Love” na may playdate na sa April kasama si Matteo Guidicelli at sa kanilang bagong teleserye sa ABS-CBN na “La Luna Sangre”na first pantaserye ng magka-love team.
 

Coco Martin may ibang ka-date at hindi si Julia

Sa kabila ng kabisihan ni Coco Martin sa taping ng kanyang nightly aksyon-serye na “FPJ’s Ang Probinsyano”, hindi pa rin napababayaan ng aktor ang kanyang pagmamahal sa mga bata at matatanda.

Coco Martin
No wonder na siya ang numero uno na idol ng mga bata at ng mga lolo at lola.

Recently, nagkaroon ng out-reach program si Coco sa mga batang estudyante ng isang elementary school sa San Jose del Monte, Bulacan na noong pasukan noong June, binisita rin niya ang mga ito.


Last Friday, ang mga elder naman na residente ng Graces Home for the Aged ang dinalaw niya.

Siya ang ka-Valentine ng mga lolo at lola, kung saan nagbigay ng tulong at kasiyahan ang aktor, gaya ng nakagawian na niya.

As a mula kay Coco, dala-dala niya ang mga pagkain, gamot, at toiletries na tulong ng aktor para sa kanila.

Malapit sa puso ng aktor ang mga matatanda, lalo pa’t in real life ay laking-lola ang binata, reason kung bakit ganu’n na lang ang attachment niya sa mga ito.

Bukod sa mga bata at elderlies, napag-alaman din namin na gusto rin na magkaroon ng out-reach program si “Cardo” sa mga piitan, kung saan sa istorya ng kanyang teleserye sa ilang linggong pagtakbo nito, naging isang inmate ang kanyang karakter.

Coco with the residents of Graces Home for the Aged
Bukod sa mga nabanggit na recipients ng charity works ng aktor, gusto rin niyangt mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa probinsya.

Pahayag ng aktor sa isang panayam, “Gusto ko rin sanang makatulong, lalo na ‘yung mga (preso) na hindi nadadalaw ng mga kaanak nila at ‘yung mga kababayan natin sa probinsya na nasalanta rin ng bagyo.”

Sa ganitong mga gawa at ganap, personally ay ito ang gusto ko sa actor.

Monday, February 13, 2017

Liza on Enrique: "He’s a special part of my life"

Hindi hamak na mas maganda naman si Liza Soberano sa mga babae na nagtatangka at nangangarap na maging beauty queens. Gusto nilang maging Pia Wurtzbach na ang kapalaran na makilala sa buong mundo at magka-boyfie ng isang guwapong doctor o isang drag racer ay suntok sa buwan kung talagang hindi mo suwerte.
Liza Soberano ans Enrique Gil
 Sa hitsura pa lang ng dalaga, talbog na sila ni Liza without exerting an effort on her part. Pero ang dalaga, may “konting pangarap” din pala na maging isang beauty contestant para sa Miss Universe.
 
Sabi nito sa sa interview ni Boy Abunda sa kanyang “Tonight With Boy Abunda” recently, “Right now I think I’m just too busy to think about it and I just want to focus on my acting career, because it’s my dream to make it far when it goes to acting. When it comes to Miss Universe, I don’t think I’ll be able to handle all the pressure.
 
But you know, I’m not closing any doors, maybe in the future.”
Pero sa usaping pag-ibig,ang pag-a-update ni Liza ay ok sila ng kanyang “special someone”. Pag-amin ng dalaga, “He is very special to me because I wouldn’t be Liza Soberano without him.
Pause
Current Time 0:01
/
Duration Time 0:01
Remaining Time -0:00
Loaded: 0%
Progress: 0%
0:01
Fullscreen
00:00
Mute

“He helped me to where I am and to achieve my dreams in life and he’s a special part of my life,” pagmamalaki pa ni Liza sa ka-partner niyang niyang si Enrique Gil.
 
LizQuen in "My Ex & Whys"
Dahil si Quen ay special para sa dalaga, siyempre nasa priority list niya ito, kahit kung minsan ay napipikon siya sa pambubuska ng binata sa kanya.
 
Sa kabila ng kakulitan ni Quen, pag-amin ni Liza, “Quen makes me, through the little things, he appreciates me and he makes me feel special.”
 
Bukas Wednesday , February 15, na ang showing ng Valentine movie nila na “My Ex & Whys” na I’m sure, another blockbuster movie na naman ito ng dalaga, lalo pa’t mas maraming kilig moments sila ni Quen sa pelikula na idinirek ni Cathy Garcia Molina na sa Korea kinunan ang ilang mga eksena.
 
Kanina, Monday naganap ang premiere night ang pelikula sa SM Megamall. Bukas, Valentine’s Day, ang magka-lovetem ay magkasama sa Cebu for the promo ng pelikula nila.
 
Siyempre, doon na rin magkakaroon ng romantic moments ang dalawa. Excited ako kung ano regalo ng isa’t isa sa Araw ng mga Puso.
 

Pahiwatig ni Vanessa Matsunaga pera ang dahilan ng hiwalayan ng DanRich

Lumalala ang isyung hiwalayan between Erich Gonzalez at Daniel Matsunaga.
 
Kinumpirma at nagsalita na ang dalaga  tungkol sa split-up nila. “It’s true po na we are not together anymore. It’s over. To be honest po, ayaw ko po sanang mag-detalye. I just want to move on. Hindi po kami nag-uusap. It’s not true that we are talking. Hindi po kami magkaibigan. Walang third party po,” panigurado ni Erich.
 

Erich Gonzales and Daniel Matsunaga
Sa interbyu at hindi man inamin 'o itinanggi ni Erich ang tsismis na pera ang dahilan ng hiwalayan nila ni Daniel: “Tungkol sa pera? Ayaw ko na pong magdetalye tungkol diyan. Like what I said, I just really want to move on,” sabi niya.
 
Erich, Daniel and Vanessa
The other day ay nag-post ng kanyang reaksyon ang kapatid ni Daniel na si Vanessa Matsunaga sa hindi pagsagot ni Erich tungkol sa isyu ng "pera" na  diumano ang dahilan ng hiwalayan.
 
Kung maaala nýo pa, si Erich ay biglaan din ang pakikipaghiwalay noon sa mayaman niyang non-showbiz boyfriend na ang sabi ay mula sa angkan ng isang isang prominenteng Chinese family (na nagmamayari ng mga malalaking mga shopping malls sa buong bansa) na dapat sana ay ikakasal na siya dito.
 
Kung saan hahantong ang kabuntot ng hiwalayan nina DanRich ay abangan na lang natin.
 

Saturday, February 11, 2017

Michael Pangilinan 's Doha concert & his pre-Valentine show tonight

Kumusta na kaya si Michael Pangilinan? The last time na may naisulat kami sa kanya ay noong magkaroon siya ng free concert sa Rajah Sulayman Park sa Manila noong kaarawan niya. Espesyal ‘yun dahil sa unang pagkakaton ay naka-duet niya ang dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na ngayon ay Mayor ng Maynila.
 
 
Michael Pangilinan at the presscon in Doha, Qatar
Pero ngayong Araw ng mga Puso, may kaganapan kaya para sa “Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala” habang kaliwa’t kanan ang live shows and concerts ngayong Valentine’s Day?
 
Pero mas mauuna yata sa schedule ang anak-anakan naming si Michael dahil may ganap siya mamayang gabi Sunday,  February 12, para sa kanyang intimate pre-Valentine show na “Michael Pangilinan by Special Request” na gagawin sa Music Box (Timog Avenue near the corner of Quezon Avenue sa Quezon City), kung saan special guest niya ang rumored girlfriend na  si Garie Concepcion, ang singers na sina Kiel Alo at  Ezekiel, at ang stand-up comedienne na si Boobsie Wonderland.
 
Yes, parang show and advance Valentine date na rin nila ito ni Garie na kahit sabihin na sila ay romantically committed sa isa’t isa, ang relasyon nila ay hindi nakaaapekto sa mga career nilang dalawa.
 
Michael performing at the La Cigale Hotel, Doha Qatar
Si Garie, always nasa background lang kung makikita mo ang presence niya sa shows and events ng boyfie. Hindi umaagaw ng eksena, lalo pa’t ang imahe ng kanyang boyfriend ay “pantasya” pa rin ng girls at bekis which is a very good sign na walang insecurity na nararamdaman ang dalaga.
 
Anyways, update lang para sa fans ni Michael, recently ay kagagaling lang niya ng Doha, Qatar for a show last January 26 sa. Last weekend naman ay super hectic ang schedule niya dahil naging guest siya para sa isang fund-raising show sa Payao, Binalbagan in Negros Occidental for the repair of St. Blas Parish Convent near Bacolod City (sa pakikipagtulungan ng kaibigangToken Lizares of the City of Smiles), and the following day pagpadating nila ng airport sa Manila, diresto naman siya sa Bani, Pangasinan para sa kanilang Pakwan Festival.
Ewan ko lang kung may panahon pa si Michael magpahinga sa sunud-sunod niyang pagpapaunlak sa mga imbitasyon at shows.
 
 
 
Sa February 25, guest din siya sa isang Music Museum show with Marion Aunor at Edgar Allan Guzman na project ni Direk Joven Tan na composer ng awiting “Pare, Mahal Mo Raw Ako”.
 
Michael with his fans in Doha
With his hectic schedules, nagpapaunlak pa rin si Michael and his manager Jobert Sucaldito ng mga charity shows bilang pasasalamat na rin sa mga magagandang nangyayari sa buhay at career ng singer. Kaya no wonder, more blessings ito para kay Michael and we love him sa mga bagay na ito.

Liza Soberano at Enrique Gil sa Cebu ang V Date

May nagkuwento sa amin na kurpirmadong may "something" na sina Liza Soberano at Enrique Gil.
 
Sa nakaraang presscon ng dalawa para sa pelikula nilang “My Ex and Whys” na showing na sa darating na Wednesday February 15 ang ipinakita nilang kanaturalan sa isa’t isa sa harap ng ibang tao (lalo na sa press people) ay patunay lang kung ano na ang estado nila.
 
Enrique & Liza
Tulad si Quen na ayaw ng label (like ayaw nilang tawagin silang mag-boyfriend or mag-girlfriend or magka-relasyon), patunay lang na ang closeness ng dalawa ay ‘yun ang hinahanap na interpretasyon at sagot ng publiko tungkol sa dalawa.
Ang millennials kasi, ayaw ng label. Hindi uso sa kanila ang ganu’n. Basta ang paniwala nila, sila ay iisa. Sina Liza at Enrique ay committed sa isa’t isa na may pangako na hindi nila sasaktan ang damdamin ng bawat isa, na nasa estado sila na hindi na kailangan pa sabihin o' bigkasin o ideklara.
 
Sa darating na Valentine's Day sina LizQuen ay magkasama sa Cebu. Sila ang magka-date. Kung saan at kung papaano, malalaman natin ang naging ganap sa pagbalik nila ng Manila,
 
Basta ang mahalaga, mahal nila ang isa’t isa at ‘yun ang importante. Happy for LizQuen.

Marion happy sa interpretation ni Sharon Cuneta sa kantang "Lantern"

Kamusta na si Marion Aunor? Anong mga kaganapan niya lately?
 
Para update sa mga supporters and fans ng singer-composer ay naging busy siya sa promo ng kanyang album para sa Star Music. Humahataw sa sales ang naturang compilations ng mga bagong kanta ni Marion at is sa mga most requested songs sa MOR na FM radio station ng ABS-CBN sa Metro Manila at sa probinsya.   
 
Marion Aunor & Sharon Cuneta
Ibinalita rin niya na may tatlong composition siya na nai-submit kay Jonathan Manalo (one of Star Music’s creative bossing) na hindi niya ini-expect na dalawa sa mga likhang awitin niya at napabilang sa bagong album ni Megastar Sharon Cuneta at ‘yong isa ay para naman for Jona (dating Jonalyn Viray).
Sa pre-Valentine show ni Marion sa Robinson’s Galeria last Sunday (February 5) ay masaya niyang ibinalita sa amin kung gaano kaganda ng interpretation ni Sharon sa composition niyang “Lantern”.
Matapos kasing mai-record ni Mega ang song, pinadalhan ni Jonathan ng kopya si Marion para mapakinggan niya ito.
 
“It was really great to hear Ms. Sharon sing my composition,” kuwento ni Marion sa amin.
Sa katunayan, it’s a new Sharon Cuneta, sabi ng dalaga. Tulad ng ibinahagi ng Megastar sa kanyang social media account that she is reinventing herself na siya namang angkop sa klase ng musika ngayon ng singer-actress.
“Ibang-iba siya. But the Sharon Cuneta touch is still in her kind of music. I’m so happy,” sabi ni Marion.
“I don’t have any idea kung kailan ire-release ang album, but I assure you na ibang-iba ito compare sa previous na Sharon Cuneta songs,” pagmamalaki ni Marion.
‘Yong composition naman niya for Jona, wala pa siyang idea kung nai-record na.
“How I wish na sana as a composer maging part din ako sa recording ng song. Just like during Kathryn Bernardo’s song for Star Music na I was there during the recording,” pahayag niya.       
 
Marion with a fan at her Robinson's Galeria Show
Dapat this February, may show siya sa Dubai pero na-postpone ito. “Na-moved ‘yong show for April,” kuwento naman ni Ms. Maribel Aunor na ina ng singer.
Bukas, Sunday (February 12), you can catch Marion again at Robinson’s Malabon as part of her pre-Valentine show. Last Tuesday (February 7) at naging guest siya sa isang fund-raising show at the 12 Monkeys Music Hall & Pub for singer Zion Aquino's cancer treatment kung saan nakasama niya si KZ Tandingan.
 
Not to forget her guesting on February 25 for  Direk Joven Tan's Music Museum  concert featuring Michael Pangilinan, Vin Abrenica and Edgar Allan Guzman.
 

Diego Loyzaga galit sa amang si Cesar Montano

Tuesday ng gabi habang nagtsi-check ako ng IG postings ng mga sinusundan kong celebrities, nagulat ako sa rant ni Diego Loyzaga tungkol sa ama. Tila malalim ang sama ng loob ni Diego sa amang si Cesar Montano.
 
Diego with Cesar
Tinanong ko pa nga ang kaibigang Arniel Serato ng pep.ph kung totoong account ‘yun ng binata at kinumpirma niya na kay Diego nga ‘yun.

Sa rant niya kay Cesar, sinulat ni Diego na sa simula pa lang, dinis-own na siya ng ama bilang anak. Aminado ang binata na dumaan siya sa 5 beses na drug test at ang suporta sa kanya bilang anak ni Cesar sa dating aktres na si Teresa Loyzaga ay wala.


Pagkakasulat ni Diego ng kanyang sama ng loob kay Cesar sa kanyang IG: “Padamputin mo na ako lagyan ako ng karatula diba iyan ang sinabi mo? Kaming dalawa ng kapatid ko?

“Mag malinis ka na sakay ka na sakanila pero sariling mong anak di mo ipagtatangol. Sarili mo lang! Magaling best actor ka nga!

“Ano pang gusto mo? drug test? DNA test? Ako ba talaga anak mo? Ilan ba talaga kaming anak mo? Baka hindi ka pa sigurado.
“Pinapalayas mo pa ako sa bahay na iniwan mo para sakin. Samantalang wala ni isang piso hiningi ko sayo mula bata pa ako. Pang limang drug test na ipinagawa niyo sakin LAHAT negative pero lakas pa rin ng loob mo na pagbintangan akong adik.
 

“Ano pa ngayon? Ano pang intriga gusto mong gawin? Ramdam na ramdam ko nga na mahal mo ko. Salamat. Makadyos ka pa? Panay simba ka nga pero wala kang ginawa kung hindi gumawa ng kasalanan.
“I think i speak on behalf of all my siblings.”
Himutok pa ni Diego, “SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!! – written by the UNGRATEFUL child who was denied by his father. So really am I an UNGRATEFUL “CHILD” because to him I am not even his child.”

Ang IG posting ni Cesar na nagpa-react sa anak
Sa post ni Diego last Tuesday evening, my picture siya na ipinost na si Cesar ay hawak-hawak ang mga tseke para pambayad sa school tuition ng mga anak niya kay Sunshine Cruz. Sinundan niya ito ng mensahe na: “Salamat naman sa Diyos pinagaral mo ang mga anak mo. Karapat dapat lang naman ata ng isang ama gawin yun eh no? Pangako mo sa kin? Nasaan na? Ayaw mo pa gawin to sa social media? Eh ako din ayoko sana pero puro ka hocus pocus. Daig mo pa magician. Wag ka nalang sana mag satsat kung di mo tutuparin.”
May mensahe siya sa mga nakabasa ng posting niya at rant sa ama na: “Sa lahat ng nakakabasa nito iisipin niyo siguro wala akong respeto kasi ama ko iyan pero sana tandaan niyo mula ng pinanganak ko ng nanay ko dineny ako niyan hangang ngayon ngayon!! Kaya siguro pwede ako magsalita ng ganito.”

Majority sa mga opinion ng netizens na nakabasa ay kay Diego ang simpatya.
Sabi ng mga nakabasa tulad ng entertainment columnist at radio anchor sa DZMM na si Jobert Sucaldito: “Kawawa naman si Diego. It may be personal between him and his dad but you know, anak iyan na nagsasalita kaya dapat pagtuunan ng pansin. It’s his right. Cesar must look into this before it gets blown out of proportion.”
Opinyon naman ng manunulat na si Glen Regondola: “I think, bunga ‘yan ng mahabang sama ng loob na naiintindihan ko. Sana naging fair naman si Cesar sa mga anak niya dahil ‘nagpakasarap’ naman siya ng gawin nila ‘yun. Kung may kakayahan naman siyang ‘pasarapin” ang buhay ng kanyang mga anak, bakit hindi niya gawin para ‘di na sana umabot sa ganito.”
Sabi naman ng kaibigang travel agent na si Melynn Alipio Limjap: “Heartbreaking…”
Reaction naman ng Hollywood celebrity florist na si Edd Rame sa isyu: “It’s ok. It’s a valid feeling… that hurts and he seemed victimized of rejection by his own dad which is a very painful thing to a child.”
Majority ay naawa sila sa hugot ni Diego sa ama.
Paniguro naman ni Diego na hindi na-hack ang IG account niya. Sa tuwirang salita, siya na si Diego Loyzaga ang nag-post ng mga naturang mensahe na ‘yun.
Diego with mom Teresa and his Tita Bing Loyzaga
Noong Miyerkules (February 8), biglang tinanggal ni Diego ang kanyang post tungkol sa ama dahil pinagsabihan umano siyang alisin.
Hindi tinukoy ng binata kung sino ang nag-utos sa kanya na alisin (i-delete) ang naturang posting niya.

Monday, February 6, 2017

Liza Soberano hindi sinungaling sa sarili

Napaka-natural at raw ng mga sagot ni Liza Soberano sa mga tanong sa kanya. Alam mo na hindi nagsisinungalingang dalaga kapag inuurirat mo siya. Siya mismo ang nagsasabi na nagkakamali-mali siya sa isasagot at naguguluhan siya kapag hindi totoo ang sasabihin  niya.
 
Liza Soberano
Kaya nga ang dalaga, love na love ng press. Iba siya sa leading ladies ng Star Cinema at artista ng Star Magic at Kapamilya Network na alam mo na puno ng kasinungalin ang mga sinasabi at sinasagot sa press na sinasakyan na lang namin. Puwede nga na wala nang interview dahil alam mo eklat at pang-promo lang naman ang makikuha mong sagot sa kanila.
 
Personally, I want truthfulness sa artista o sa taong kaharap ko. We love Liza for being true to herself.  We like her for being for what she is. Napangingiti na nga lang siya kapag Tagalog or in Filipino ang sagot niya dahil nabubulol siya. Mas gamay niya ang English.

 
 
At the grand media conference of her movie with rumored boyfriend Enrique Gil na “My Ex and Whys” sa direksyon ng romcom director na si Cathy Garcia-Molina, she was bubbly and true.
No wonder the media loves her. Siya ang baby at prinsesa ng entertainment media. Alam mo at ramdam mo na may sinseridad siya sa sagot niya na siyang gusto ko personally.
Aminado siyang “nearing to a relationship” na sila ni Quen kung pagle-label din lang naman ang hinihintay na sagot ng publiko mula sa dalaga.
 
Direk Cathy, Enrique Gil & Liza
Sa katunayan, para nga raw silang aso’t pusa, kuwento ng box-office director, na may mga argumento. “Parang mga bata na nagtatalo, pero alam mong mahal nila ang isa’t isa.”          
 
Sa pagtitipon last Wednesday evening para sa pelikula nila ni Quen na palabas na sa February 15, nalaman naming ayaw pala ni Liza ng mga lalaking ma-abs. ‘Yong katawan na tipong torso ni Joseph Marco na ang katawan ay seksing-seksi para sa girls at bekis dahil sa mga namumutok nitong abs.
 
 
 
Pero kahit walang abs si Enrique, love niya ang binata. Parang “baby” sabi nga.
Ngayon, mas open na si Liza tungkol sa kanila ng ka-love team. Wala na ‘yong pagkaasiwa na kahit mag-topless (shirtless) si Quen sa harap niya ay hindi na siya nahihiya at natitingnan na niya ito.
Paliwanag ng dalaga, “Wala pong malisya ‘pag si Quen, parang katawan po kasi ng baby ang katawan ni Quen. Si Quen po kasi hindi niya kailangan ng abs.
 
Dagdag pa ni Liza, “Hindi na po ako naiilang kay Quen, sobrang comfortable po ako sa kanya. Sa totoo lang po, ayaw ko po sa lalaking parang ma-abs.”
 
LizQuen
Sa pelikula, makasasama ng LizQuen sina Ara Mina (who plays mom to Liza), Arlene Mulach, Cai Cortez, Joross Gamboa, Ryan Bang, and Dominic Roque.
 
Sa trailer pa lang, palung-palo na ang pelikula ng dalaga, na bukod sa kilig, mas nag-level up na raw sina Liza at Enrique pagdating sa trabaho, ayon sa kuwento ni Direk Cathy na first time nakatrabaho ng dalawa sa pelikula, after ng kanilang hit seryeng “Forevermore”.

Happy si Enchong Dee sa muling pagpapalabas ng Mano Po 7

Sa mga hindi nakapanood ng “Mano Po 7: Chinoy” na ipinalabas bago mag-Christmas, suwerte ninyo dahil due to insistent public demand, mapanonood muli ang pelikula na ipalalabas na simula bukas, February 8 sa mga piling sinehan.
Enchong Dee
Nagustuhan namin ang kuwento ng “Mano Po 7: Chinoy” na produced ng Regal Entertainment. Kuwento ito ng pamilya nina Wilson at Debbie Wong played by Richard Yap and Jean Garcia. Gumaganap bilang mga anak nila sina Echong Dee (bilang bad boy), Janella Salvador, at ang batang si Janna Agoncillo na humarap sa iba’t ibang problema ng isang typical Chinese family na siyang buod ng kuwento ng pelikula.
 
Dahil sa pagpasok ng Metro Manila Film Festival, naudlot ang pagpapalabas ng “Mano Po 7: Chinoy” kaya isang linggo lang inabot ng showing nito sa mga sinehan.
 
Kaya nga happy si Enchong dahil ang daming fans nila ang hindi nakapanood sa unang showing ng pelikula. Sa private message niya sa Instagram, “I’m grateful kay Mother Lily (Monteverde) and Miss Roselle (Monteverde) for bringing back the movie and giving the public a chance to see again the movie.”

Kasama rin sa na nasabing family drama movie sina Jessy Mendiola, Jake Cuenca, at Marlo Mortel.

Hiwalayang Daniel-Erich pera ang dahilan?

Hindi third party ang dahilan ng problema nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales. Ito ang kumpirmasyon ng binata sa kanyang social media account.
May nag-PM sa amin at sinasabing “pera” umano ang dahilan.
Ano kaya ang ibig sabihin ng nag-PM sa amin at may usaping pera sa hiwalayan ng dalawa? Kung tampuhang purorot lang ito, hindi magde-delete ang dalaga ng photos nila ni Daniel sa kangyang social media accounts.
 
Lumalala ang sunog. Hangga’t hindi isinasara ng dalawa ang mga kuwento at haka-haka sa hiwalayan nila, lalo lang lalaki ang usapin na pareho nilang pagsisisihan.

Sayang, akala ko nga kasalan na ang kasunod ng Mt. Ulap adventure nila last December.
 
Sa katunayan, ang DanRich fans pinupukpuk na ang kanilang social media accounts ng mga katanungan at kumpirmasyon, pero kahit sino sa kanila, ni isa ay ayaw magsalita.
 
Matanong nga si Heart Evangelista (ex-girlfriend ni Daniel na asawa na ngayon ni Sen. Francis Escudero) kung may alam siya sa isyung “pera” na siyang kumakalat ngayon na rason kaya naghiwalay ang magsing-irog. Sayang…

Friday, February 3, 2017

Fans ni Liza Soberano nag-react sa trailer ng "My Ex & Whys"

Maraming ang nag-react sa trailer ng bagong romcom nina Liza Soberano at Enrique Gil na “My Ex and Whys”. Valentine’s offering ito ng Star Cinema na naka-schedule ipalabas sa February 15 mula sa direksyon ng box-office romcom director na si Cathy Garcia- Molina.

May dialogue kasi ang kagandahan ni Liza sa pelikula questioning her beauty. “Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?”

Dahil sa linyang binitawan ni Liza sa pelikula (base sa trailer), ang fans at supporters ng dalaga ay super react. Nag-aalburoto at hindi raw bagay kay Liza ang ganu’ng linya sa script na sa eksena ay kausap niya at tinatanong si Enrique.
Dapat maitanong ito sa direktor, lalung-lalo na sa sumulat ng script, para huwag nang mag-react ang fans ng kagandahang prinsesa na si Liza.
Nitong nakaraang weekend bago mag-Miss Universe competion na isinagawa kahapon ng umaga sa Mall of Asia Arena, kasabay naman ang social media posting ng mga picture ni Liza na pagkakamalan mo na isa sa mga contestant.
Marami nga ang nag-uudyok sa dalaga na next year ay subukan nang sumali sa Binibining Pilipinas, na ayon sa mga beauty contest observer, waging-wagi ang dalaga.

Pero may sagot ang manager ni Liza na si Ogie Diaz. “Tinatanong niya ako kung what if ay sumali siya. Inisa-isa niya ang posibilidad and consequences. Pero suma-total, na-realize niyamg mahihirapan siya,” kuwento ni Ogie sa radio show niya sa DZMM last Saturday.

 Going back to Liza’s new film with Enrique, it was partly shot in South Korea particularly sa Nami Island na nagiging favorite location para shooting o taping ng mga pelikula at telenobela sa Korea.

John Lloyd Cruz at Ellen Adarna bagay sila kung "baby" lang ang gusto

Mukhang magiging swak sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Hindi lang sila swak sa sitcom nila, kundi in real life.

Heto si Lloydie, mukhang pressured na sa nanay niya na gustong magkaroon ng apo sa aktor, pero hindi nga naman ganu’n kadali at kailangan niya ng ka-partner para magkaroon ng katuparan ang pangarap ng ina. Hindi naman kasi ganu’n kadali na punta ka lang ng supermarket at bibili ng gatas pang-dede ng anak mo.

 Say ni Lloydie, “Nanay ko nga rin, ‘di na makapaghintay. Kasi minsan, ‘pag pinipilit natin, lalong hindi nangyayari, eh. I think, may time for that talaga.”

Pero may nag-advise sa aktor na huwag daw nitong isipin ang pagkakaroon ng sariiling anak dahil darating at darating lang talaga ‘yun.

Habang si Ellen naman na kasama niya sa show, atat na ring magkaroon ng sariling anak. Kaya nga naghahanap ang sexy star ng lalaki na maganda ang genes o lahi at keri na niyang magpaanak sa lalaki kahit out of wedlock. Say nga ng sexy star, wala siyang planong mag-asawa (o magpakasal). Basta ang gusto lang niya ay ang anak na mabubuo.

Sa katunayan nga, may nakita na nga raw na co-maker si Ellen. “I’m turning 29 this April but I told my dad I’m gonna get pregnant when I’m 30. I’m really gonna get pregnant, I promise. Meron akong ka-deal na baby daddy,” ayon sa pahayag ni Ellen.

Bakit babymaker pa? Total si Ellen, gusto lang ng baby at si John Lloyd tila wala naman planong mag-asawa pero gusto ng anak, puwede rin sigurong silang dalawa na lang.

At least, maganda ang genes ng aktor. Why not coconut? It’s just sex for the purpose of having a baby. Basta no string attached. Baby lang talaga ang pakay. Bakit nga ba lalayo pa? Ha ha ha!