Tuesday ng gabi habang nagtsi-check ako ng IG postings ng mga
sinusundan kong celebrities, nagulat ako sa rant ni Diego Loyzaga
tungkol sa ama. Tila malalim ang sama ng loob ni Diego sa amang si Cesar
Montano.
Diego with Cesar
|
Tinanong ko pa nga ang kaibigang Arniel Serato ng pep.ph kung totoong
account ‘yun ng binata at kinumpirma niya na kay Diego nga ‘yun.
Sa rant niya kay Cesar, sinulat ni Diego na sa simula pa lang,
dinis-own na siya ng ama bilang anak. Aminado ang binata na dumaan siya
sa 5 beses na drug test at ang suporta sa kanya bilang anak ni Cesar sa
dating aktres na si Teresa Loyzaga ay wala.
Pagkakasulat ni Diego ng kanyang sama ng loob kay Cesar sa kanyang
IG: “Padamputin mo na ako lagyan ako ng karatula diba iyan ang sinabi
mo? Kaming dalawa ng kapatid ko?
“Mag malinis ka na sakay ka na sakanila pero sariling mong anak di mo ipagtatangol. Sarili mo lang! Magaling best actor ka nga!
“Ano pang gusto mo? drug test? DNA test? Ako ba talaga anak mo? Ilan ba talaga kaming anak mo? Baka hindi ka pa sigurado.
“Pinapalayas mo pa ako sa bahay na iniwan mo para sakin. Samantalang
wala ni isang piso hiningi ko sayo mula bata pa ako. Pang limang drug
test na ipinagawa niyo sakin LAHAT negative pero lakas pa rin ng loob mo
na pagbintangan akong adik.
“Ano pa ngayon? Ano pang intriga gusto mong gawin? Ramdam na ramdam
ko nga na mahal mo ko. Salamat. Makadyos ka pa? Panay simba ka nga pero
wala kang ginawa kung hindi gumawa ng kasalanan.
“I think i speak on behalf of all my siblings.”
Himutok pa ni Diego, “SANA LUMABAS LAHAT NG BAHO MO. Duwag!! –
written by the UNGRATEFUL child who was denied by his father. So really
am I an UNGRATEFUL “CHILD” because to him I am not even his child.”
Sa post ni Diego last Tuesday evening, my picture siya na ipinost na
si Cesar ay hawak-hawak ang mga tseke para pambayad sa school tuition ng
mga anak niya kay Sunshine Cruz. Sinundan niya ito ng mensahe na:
“Salamat naman sa Diyos pinagaral mo ang mga anak mo. Karapat dapat lang
naman ata ng isang ama gawin yun eh no? Pangako mo sa kin? Nasaan na?
Ayaw mo pa gawin to sa social media? Eh ako din ayoko sana pero puro ka
hocus pocus. Daig mo pa magician. Wag ka nalang sana mag satsat kung di
mo tutuparin.”
May mensahe siya sa mga nakabasa ng posting niya at rant sa ama na:
“Sa lahat ng nakakabasa nito iisipin niyo siguro wala akong respeto kasi
ama ko iyan pero sana tandaan niyo mula ng pinanganak ko ng nanay ko
dineny ako niyan hangang ngayon ngayon!! Kaya siguro pwede ako magsalita
ng ganito.”
Majority sa mga opinion ng netizens na nakabasa ay kay Diego ang simpatya.
Sabi ng mga nakabasa tulad ng entertainment columnist at radio anchor
sa DZMM na si Jobert Sucaldito: “Kawawa naman si Diego. It may be
personal between him and his dad but you know, anak iyan na nagsasalita
kaya dapat pagtuunan ng pansin. It’s his right. Cesar must look into
this before it gets blown out of proportion.”
Opinyon naman ng manunulat na si Glen Regondola: “I think, bunga ‘yan
ng mahabang sama ng loob na naiintindihan ko. Sana naging fair naman si
Cesar sa mga anak niya dahil ‘nagpakasarap’ naman siya ng gawin nila
‘yun. Kung may kakayahan naman siyang ‘pasarapin” ang buhay ng kanyang
mga anak, bakit hindi niya gawin para ‘di na sana umabot sa ganito.”
Sabi naman ng kaibigang travel agent na si Melynn Alipio Limjap: “Heartbreaking…”
Reaction naman ng Hollywood celebrity florist na si Edd Rame sa isyu:
“It’s ok. It’s a valid feeling… that hurts and he seemed victimized of
rejection by his own dad which is a very painful thing to a child.”
Majority ay naawa sila sa hugot ni Diego sa ama.
Paniguro naman ni Diego na hindi na-hack ang IG account niya. Sa
tuwirang salita, siya na si Diego Loyzaga ang nag-post ng mga naturang
mensahe na ‘yun.
Diego with mom Teresa and his Tita Bing Loyzaga
|
Noong Miyerkules (February 8), biglang tinanggal ni Diego
ang kanyang post tungkol sa ama dahil pinagsabihan umano siyang alisin.
Hindi tinukoy ng binata kung sino ang nag-utos sa kanya na alisin (i-delete) ang naturang posting niya.
No comments:
Post a Comment