Saturday, February 11, 2017

Marion happy sa interpretation ni Sharon Cuneta sa kantang "Lantern"

Kamusta na si Marion Aunor? Anong mga kaganapan niya lately?
 
Para update sa mga supporters and fans ng singer-composer ay naging busy siya sa promo ng kanyang album para sa Star Music. Humahataw sa sales ang naturang compilations ng mga bagong kanta ni Marion at is sa mga most requested songs sa MOR na FM radio station ng ABS-CBN sa Metro Manila at sa probinsya.   
 
Marion Aunor & Sharon Cuneta
Ibinalita rin niya na may tatlong composition siya na nai-submit kay Jonathan Manalo (one of Star Music’s creative bossing) na hindi niya ini-expect na dalawa sa mga likhang awitin niya at napabilang sa bagong album ni Megastar Sharon Cuneta at ‘yong isa ay para naman for Jona (dating Jonalyn Viray).
Sa pre-Valentine show ni Marion sa Robinson’s Galeria last Sunday (February 5) ay masaya niyang ibinalita sa amin kung gaano kaganda ng interpretation ni Sharon sa composition niyang “Lantern”.
Matapos kasing mai-record ni Mega ang song, pinadalhan ni Jonathan ng kopya si Marion para mapakinggan niya ito.
 
“It was really great to hear Ms. Sharon sing my composition,” kuwento ni Marion sa amin.
Sa katunayan, it’s a new Sharon Cuneta, sabi ng dalaga. Tulad ng ibinahagi ng Megastar sa kanyang social media account that she is reinventing herself na siya namang angkop sa klase ng musika ngayon ng singer-actress.
“Ibang-iba siya. But the Sharon Cuneta touch is still in her kind of music. I’m so happy,” sabi ni Marion.
“I don’t have any idea kung kailan ire-release ang album, but I assure you na ibang-iba ito compare sa previous na Sharon Cuneta songs,” pagmamalaki ni Marion.
‘Yong composition naman niya for Jona, wala pa siyang idea kung nai-record na.
“How I wish na sana as a composer maging part din ako sa recording ng song. Just like during Kathryn Bernardo’s song for Star Music na I was there during the recording,” pahayag niya.       
 
Marion with a fan at her Robinson's Galeria Show
Dapat this February, may show siya sa Dubai pero na-postpone ito. “Na-moved ‘yong show for April,” kuwento naman ni Ms. Maribel Aunor na ina ng singer.
Bukas, Sunday (February 12), you can catch Marion again at Robinson’s Malabon as part of her pre-Valentine show. Last Tuesday (February 7) at naging guest siya sa isang fund-raising show at the 12 Monkeys Music Hall & Pub for singer Zion Aquino's cancer treatment kung saan nakasama niya si KZ Tandingan.
 
Not to forget her guesting on February 25 for  Direk Joven Tan's Music Museum  concert featuring Michael Pangilinan, Vin Abrenica and Edgar Allan Guzman.
 

No comments:

Post a Comment