Thursday, February 16, 2017

Ang paandar ni Daniel kay Kathryn noong Araw ng mga Puso

Hindi ko alam kung ano ang naging regalo ni Daniel kay Kathryn Bernardo noong nakaraang Valentine's Day. Guest kasi si DJ sa V Day concert ni Vice Ganda kaya di ko sure kung natuloy ang pahabol niyang date sa dalaga.

Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
Sa interbyu namin kay DJ last Sunday sa Star Magic @ 25 Thanksgiving presson sinabi nito na “Sa Valentine’s Day, may concert lang si Vice (Ganda), so daraan muna ako roon and then paplanuhin ko nang malupit ang pambawi ko kay Kathryn,” pagmamalki pa ng binata.
Noong kausap namin siya ay ayaw i-reveal ng binata kung ano ang plano niya sa mahalagang araw ng mga lovers.
Sabi nga niya, “‘Di ko pa alam kung paano ko gagawin, basta kailangang kayanin ng schedule at alam kong pasok na pasok ‘yun.”

Ang kapareha na si Kathryn naman ay walang expectations sa date nila ni DJ.
Pero ang binata, may pahabol. “Kailangan galingan ko. Kasi para sa lahat ng babae, espesyal talaga ang Valentine’s Day sa kanila,” kuwento niya.
Sabi ni Daniel na for sure ay lalong mae-excite si Kathryn kung ano man ang gagawin niya.
“Siguro dapat laging ano lang, hihigitan mo ‘yung ginawa mo last year,” sabi nito.
 
KathNiel
Last year umamin si DJ na exclusively dating na sila ng dalaga.
Tulad ng karamihan sa millennials, ang “exclusively dating” status nila ay parang M.U. o mutual understanding na lengguwahe noong 90’s.
Sa ngayon, ang dalawa ay naghahanda ng kanilang pang-limang pelikula na “Can’t Help Falling In Love” na may playdate na sa April kasama si Matteo Guidicelli at sa kanilang bagong teleserye sa ABS-CBN na “La Luna Sangre”na first pantaserye ng magka-love team.
 

No comments:

Post a Comment