Monday, February 13, 2017

Pahiwatig ni Vanessa Matsunaga pera ang dahilan ng hiwalayan ng DanRich

Lumalala ang isyung hiwalayan between Erich Gonzalez at Daniel Matsunaga.
 
Kinumpirma at nagsalita na ang dalaga  tungkol sa split-up nila. “It’s true po na we are not together anymore. It’s over. To be honest po, ayaw ko po sanang mag-detalye. I just want to move on. Hindi po kami nag-uusap. It’s not true that we are talking. Hindi po kami magkaibigan. Walang third party po,” panigurado ni Erich.
 

Erich Gonzales and Daniel Matsunaga
Sa interbyu at hindi man inamin 'o itinanggi ni Erich ang tsismis na pera ang dahilan ng hiwalayan nila ni Daniel: “Tungkol sa pera? Ayaw ko na pong magdetalye tungkol diyan. Like what I said, I just really want to move on,” sabi niya.
 
Erich, Daniel and Vanessa
The other day ay nag-post ng kanyang reaksyon ang kapatid ni Daniel na si Vanessa Matsunaga sa hindi pagsagot ni Erich tungkol sa isyu ng "pera" na  diumano ang dahilan ng hiwalayan.
 
Kung maaala nýo pa, si Erich ay biglaan din ang pakikipaghiwalay noon sa mayaman niyang non-showbiz boyfriend na ang sabi ay mula sa angkan ng isang isang prominenteng Chinese family (na nagmamayari ng mga malalaking mga shopping malls sa buong bansa) na dapat sana ay ikakasal na siya dito.
 
Kung saan hahantong ang kabuntot ng hiwalayan nina DanRich ay abangan na lang natin.
 

No comments:

Post a Comment