Saturday, February 11, 2017

Liza Soberano at Enrique Gil sa Cebu ang V Date

May nagkuwento sa amin na kurpirmadong may "something" na sina Liza Soberano at Enrique Gil.
 
Sa nakaraang presscon ng dalawa para sa pelikula nilang “My Ex and Whys” na showing na sa darating na Wednesday February 15 ang ipinakita nilang kanaturalan sa isa’t isa sa harap ng ibang tao (lalo na sa press people) ay patunay lang kung ano na ang estado nila.
 
Enrique & Liza
Tulad si Quen na ayaw ng label (like ayaw nilang tawagin silang mag-boyfriend or mag-girlfriend or magka-relasyon), patunay lang na ang closeness ng dalawa ay ‘yun ang hinahanap na interpretasyon at sagot ng publiko tungkol sa dalawa.
Ang millennials kasi, ayaw ng label. Hindi uso sa kanila ang ganu’n. Basta ang paniwala nila, sila ay iisa. Sina Liza at Enrique ay committed sa isa’t isa na may pangako na hindi nila sasaktan ang damdamin ng bawat isa, na nasa estado sila na hindi na kailangan pa sabihin o' bigkasin o ideklara.
 
Sa darating na Valentine's Day sina LizQuen ay magkasama sa Cebu. Sila ang magka-date. Kung saan at kung papaano, malalaman natin ang naging ganap sa pagbalik nila ng Manila,
 
Basta ang mahalaga, mahal nila ang isa’t isa at ‘yun ang importante. Happy for LizQuen.

No comments:

Post a Comment