Nag-celebrate ng kanilang 1st anniversary sina Nadine Lustre at James
Reid last Saturday, February 11.
So far, oks naman ang naging takbo ng
relasyon nila sa loob ng isang taon. Walang masyadong intriga. Wala
masyadong isyu o away na ang ending, sa social media nila ipinapagpag
ang kanilang pag-e-emote, reason na lalong gumugulo ang isyu na marami
na ang nakikisawsaw.
Sa selebrasyon ng unang taon ng kanilang pagmamahalan, dapat
magne-nature tripping sila at magha-hike sa Mt. Pulag sa Itogon,
Benguet. Kaso, biglang nagbago ang plano ng dalawa, kung kaya’t sa araw
ng kanilang “love anniversary”, lumipad ang dalawa puntang Japan.
JaDine
|
Sweet na boyfie pala si James kay Nadine, kung saan may hawak-hawak
siyang three red balloons at nagsabi ng “Thank Love!” na mapanonood sa
kanyang Instagram story.
Curious lang ako. Ano kaya regalo ng binata sa kanyang “love” na si Nadine sa anniversary nila at nitong nakaraang Valentine's Day?
No comments:
Post a Comment