Monday, February 27, 2017

Social media account ng Regal Films pinakialaman ng mga hackers

Sosyal ang online promotion and publicity arm ng Regal Films, na-hack! Parang Hollywood na ang mga kompanya sa abroad, na napapasok ng mga hackers.

Morher Lil;y & Ms. Roselle Monteverde
Ayon sa lady producer ng Regal Films na si Ms. Roselle Monteverde, ang social media account ng Regal Films sa Instagram ay napakialaman. “Para namang isa kaming US company na hina-hack! Very useful pa naman ang IG namin sa social media promotions ng movie namin,” kuwento ng producer na nanghihinayang sa ilang araw na pagkakaroon ng problema ng IG nila. Ngayon pa na kailangan nilang mag-promote ng kanilang horror movie na “Pwera Usog” na mapanonood na sa March 8 na pinagbibidahan nina Sofia Andres, Albie Casiño, Devon Seron, Joseph Marco, at ang baguhang si Charise Castro.


Pati pamimirata, laganap na rin pala online (social media) dahil recently, ang pelikulang “Die Beautiful” na bida si Paolo Ballesteros, may mga free links na makikita online (IG, Twitter, at Facebook) na mapanonood mo nang libre sa smart phones, personal computers, o sa mga tablet.

Ms. Roselle with Paolo Ballesteros of Die Beautiful
Sa ganang akin, hindi nga fair ito sa Regal, gayong sila ang namuhunan.
Hopefully, maayos na ang problema ng hacking na ito.

No comments:

Post a Comment