Tuesday, February 28, 2017

Sofia Andres at Diego Loyzaga sila na ba?

Parang shock absorber si Sofia Andres ng kanyang “kaibigan” na si Diego Loyzaga na almost 3 weeks ago ay binanatan ang amang si Cesar Montano sa kanyang social media account, dahil sa kapabayaan diumano ni Buboy sa kanyang responsibilidad sa kanya bilang anakat ang pag-aakusa sa kanya na dependent or user ng ipinagbabawal na gamot ang binatang aktor.

Sofia Andres (Photo by Nikole PM)
 Sa rant ni Diego kay Cesar, wasak na wasak ang ama. Hugot na hugot si Diego na maging si Sofia, naiintindihan niya ang dinadalang problema ng binata.

Ayon sa kuwento ni Sofia sa grand media conference kamakailan ng pelikula niya sa Regal Films na “Pwera Usog” ay iyak daw ng iyak ang kaibigan niyang si Diego sa nangyari sa kanila ng ama.

“I believe na hindi siya nagda-drugs as what other people say,” depensa ng sinasabing rumored girlfriend ng binata.

Dagdag pa ni Sofia na si Diego ay regular na nagpupunta sa gym para patunayan lang na malinis siya at hindi gumagamit ng drugs tulad sa akusasyon ni Cesar sa anak.

Sa ngayon, ayaw pa rin i-confirm ng dalaga ang tutoong estado nila ng binata kahit kabi-kabila ang tsismis na sila na ang magka-relasyon ni Diego.

'"Hindi pa. Career muna,"sabi niya.

Pero may wish ang dalaga para sa ka nyang "kaibigan: na  sana raw ay malagpasan ni Diego ang kritikal na pinagdaraanan nito. Gusto ng dalaga na lumabas ang katotohanan, na ang “kaibigan” niya ay hindi user ng mga ipinagbabawal na gamot.

The cast of "Pwera Usog" (Photo by Jing Javier)
 Sa ngayon, set aside muna kay Sofia ang usaping "love life."Career po muna. Busy sa promo ng Pwera Usog kaya wala talaga time. Basta, I enjoy Diego's company.

Ang "Pwera Usog "ang kauna-unahang horror film ng magaling na si Direk Jason Paul Laxamana na mas kilala sa mga pelikulang seryoso ang tema at mga romcom. Sa pelikula kapartner ng dalaga si Joseph Marco.

Mapapanood na nationwide ang  pelikula next week, March 8 sa mga sinehan nationwide.

No comments:

Post a Comment