Saturday, September 16, 2017

MULTI-TASKING BILANG ARTISTA-DIREKTOR: Coco Martin, nakakabilib ang galing



Nakakabilib itong si Coco Martin. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang energy nya para pagsabayin ang multi-tasking job niya bilang isang artista at director ng MMFF 2017 entry niya na "Ang Panday". 
Direk Coco Martin on the set of "Äng Panday"
As actor, very physical ang ginagawa niya sa FPJ's Ang Probinsiyano at bilang si Flavio sa "Ang Panday". Aside from acting sa aksyon serye niya at sa ginagawang pelikula ay malaki din ang responsibilidad niya as actor-director na ginagawa niya.

Sabi sa amin na isang betereno na taga-pelikula ay dapat may passion ka sa ginagawa mo para hindi mo maramdaman ang stress sa ginagawa mo.

Bilib kami kay Coco na kahit stressful ang ginagawa niya as film director ay naitatawid niya pareho ang commitment niya bilang atista-direktor.

Coco with actor Jake Cuenca playing the role of Lizardo

Kaloka ka Coco at keri mo pagsabayin ang mga ito. I just don't know kung may weekend rest ka pa.

As of writing ay natapos na ni Coco ang 1/3 part ng Ang Panday (The Movie) kung saan napabalita na mayroon 80 na mga artista ang nag-volunteer para mag-guest sa 1st directorial film niya.
 
Si Mariel de Leon ang leading lady niya sa pelikula na kinabibilangan din ni Jake Cuenca playing the kontrabida karakter na si Lizardo kay Flavio.
Ayon sa kuwento ng Dreamscape Entertainment publicist na si Eric John Salut na nakapanood na sa isinagawang preview ng rough edit last Friday evening ng pelikulang “Ang Panday: “Susme, may gustong patunayan si Coco bilang direktor! Amazing camera works! Ang ganda ng tahi ng story, malinis! At di ko kaya yung dami ng artists na nakita ko! 
 
Coco with co-stars in FPJ's Ang Probinsiyano
"Makapigil-hininga yung action scenes! At yung puso ng movie, grabe yung kurot. At ang sakit ng tiyan ko kakatawa sa mga funny scenes! Rough edit pa lang, pero dama mo agad yung journey and experience! Isa lang sasabihin, mahusay na direktor si Coco,"reaksyon niya.
Sa tutoo lang ay excited kami na mapanood kabuunan ng pelikula.
       

Friday, September 15, 2017

SA BAGONG KONTRATA : Janella Salvador, suwerte sa Regal Films

Hindi na nagdalawang isip pa ang young actress na si Janella Salvador at ang kanyang manager na si Manny Valera na mag-renew ng contract ang aktres sa film outfit na Regal Films para sa kanyang latest four picture contract sa kompanya na palaging sumusuporta sa dalaga.
 
Janella Salvador

Sa kabila ng malakas ulan at hanging dala ng bagyo last Monday lunchtime ay walang nakapagpigil sa young actress na lusubin ang Regal Events Place sa Quezon City para sa signing of her renewal of contract sa film outfit nina  Mother Lily Moteverde at ng anak niya na si Ms.Roselle Monteverde.

Janella's manager Manny Valera, Roselle Monteverrde and Mother Lily
Yes, Janella inked a four movie contract snaturang film outfit at hindi pa kasama ang latest na pelikula ng dalaga with screen partner na si Elmo Magalona na "My Fairytail Love Story"na intended for the Metro Manila Film Festival 2017 na hopefully ay mapili at mapabilang sa last four films na hinihintay na maaprubahan ng MMFF 2017 Execom.

Janella in a scene in "My Fairytail Love Story
Sa short tsikahan  namin with Janella last Monday she told us na very thankful siya sa support ng Regal Films sa kanyan career niya.

"I don't have an exclusive contract with Regal but I know, hindi ako pababayaan ni Mother,"sabi ng dalaga,

I'm sure, ang mga ElNella fans nila ni Elmo ang happy at super excited dahil bukod sa #MFTLS ay masusundan pa ng project ang tambalan ng dalawa.

Thursday, September 14, 2017

PINAGKATIWALAAN MULI: Si Arjo Atade pa rin ang pinili


Bilib kami sa loyalty ng young actor na si Arjo Atayde. Simple lang pero marunong siya magpahalaga sa mga bagay-bagay at sa mga taong nagbibigay sa kanya ng importansya noong panahon na hindi pa siya kilala.
Arjo Atayde for Hammerhead
Ang tinutukoy namin ay ang pagiging loyal endorser ni Arjo sa clothing brand na Hammerhead kung saan siya ang current endorser.

‘”When I was just starting na hindi pa ako kilala as Joaquin sa action serye na “Ang Probinsiyano” ni Coco Martin; may nagtiwala na”.

For the past two years, siya ang celebrity endorser na dati ay pinaghaharian nina Zoren Legaspi at Piolo Pascual na ngayon ay iba na ang ini-endorso. 

Sa renewal of contract signing ni Arjo for the said brand, may nagtanong: what if mayroon nag-offer sa kanya na ibang clothing brand na mas malaki (mas doble) ang offer sa kanya, tatanggapin niya kaya?

Hindi na nagdalawang-isip ang aktor: No, I won’t. I told them I will support them. It’s just money. They have my word,” pahayag ng aktor na ang ugali ay mana sa inang si Sylvia Sanchez at businessman Art Atayde na naniniwala na sa ibabaw ng mundo, hindi lang pera ang magtatali sa ‘yo sa isang bagay o relasyon kundi ang tiwala at word of honor.

Hindi pang- press release lang si Arjo. Kung naniniwala siya sa produkto (like Hammerhead) ay siya mismo isinusuot niya mapa-local brand man ito. 


Arjo in a pictorial for Star Studio Magazine

“Even my non-showbiz friends (and barkada na mga sosy) they wear it. I like the comfort of their shirt,” pagmamalaki niya.

Sa katunayan, kuwento ni Dada Cruz sa amin na promo manager ng naturang clothing brand na kapag naga-out of town tour sila, imbes Arjo ay Joaquin ang tawag sa kanya.

“It helps our sales,” kuwento ng isa sa mga owners ng naturang clothing brand.

Sa ngayon, after ng much needed rest ni Arjo ay balik-telebisyon siya sa bagong serye sa Kapamilya Network with no less than her mom Sylvia Sanchez ang makakasama niyaLovelife? 

Meron syempre. The girl on Arjo’s heart ay isa sa mga Girl Trends ng noontime show na It’s Showtime.  Pakiusap ng binata:” I want my private life out of showbiz. Hayaan na natin siya,” pangiting pakiusap ng binata.


WALANG KASALAN: Will Devaughn at Roxanne Barcelo nage-enjoy sa pagiging single


Nasa marrying age na rin naman pero hindi pa rin or shall I say na wala pa rin sa priority ni Will Devaughn na lumagay sa tahimik.

Will Devaughn at Roxanne Barcelo

Para sa sa isang binata na nasa saktong edad na (Will is 35 years old) ang mga tulad ni Will, ang focus nila ay ang ang pagpapatibay pa rin ng kanilang kinabukasan at career. Iba na daw kasi ang priorities ng mga lalaking may ganun edad. 

Mabuti na lang, pareho ang priorities ni Will at ng longtime girlfriend niya na si Roxanne Barcello (she’s 33 year old) na mag-ipon muna para sa future nila bago nila pagusapan or planuhin ang kasal or lumagay na sa tahimik. 
Sobrng sweet sa isa't isa

Say ni Will tungkol sa girlfriend: “She’s beautiful, she’s honest, she’s everything a man could ever dream of. Yung values niya is very hard to find these days," pagmamaki niya sa girlfriend. 

Kahit pareho na nasa showbiz, si Will ang negosyo niya ang priorities ng binata na ang kanyang “active wear” (sportswear business) ang nasa priority list niya.

 Bukod sa apparel, ay nagmamay-ari din ang binata ng isang café at mobile café. “I need to earn and save for my future, for my wife, my kids. My family,” sabi niya. 

Sa katunayan, sa bagong pelikula nila ni Roxanne na “I Found My Heart in Sta. Fe” ay co-producer sila kaya super push sila sa promotion ng movie nilang dalawa na simula mag-showing today Friday, September 15 sa mga piling mga sinehan ng SM Cinemas nationwide as part of SM Lifestyle and FDCP’s Cine Lokal. 

We’ve seen the movie sa red carpet premiere last Saturday directed by Bona Fajardo and saw kung gaano kaganda ng Bantayan Island (Cebu) kung saan 100% ay doon sila nag-shooting. Nakatulong na malaki ang kagandaahan ng shooting location sa romance movie ng dalawa.