Friday, June 30, 2017

Arjo Atayde, bakla na naman sa MMK

Kung iba nga lang siguro siya, malamang sa hindi, mag-iisip muna siya kung tatanggapin niya ang role ng isang bading.

Arjo Atayde tonight on MMK
May mga artista kasi na conscious sa imahe nila. Hindi sila basta-basta tatangap ng role ng isang bakla or bading na pakiwari nilaĆ½ baka isipin ng publiko na beki sila in real life na nakatago lang sa kaloob-loob ng mga tunay nila na mga sarili.

Ang daming ganun sa showiz. Role lang as beki, ayaw at iniiwasan gayong para sa isang tunay na artista, hindi isyu kung isang bakla man ang magiging karakter mo sa telebisyon, pelikula o kahit sa entablado.

Sa ganito mo nasusukat kung ang isang artista na iniisip at inaakala na magaling ay “may-kaartehan” dahil may takot na baka nga naman sa isang ihip lang ay matuluyan.

Pero kung lalaki ka na mahilig sa babae, hindi ka magdadalawang-isip. Challenging naman kasi na sa karakter mo as a beki ay maging convincing ka sa role na ginagampanan mo.

Ang bad cop ng seryeng FPJ’s Ang Probinsyano na si Arjo Atayde, walang takot na maging isang bakla sa kanyang role tulad  mamayang gabi, Sabado (July 1) sa MMK, kung saan gagampanan niya ang life story ng sikat na Pinoy Hollywood fashion designer na si Rocky Gathercole na ang mga fashion creations ay sinusuot ng mga sikat na mga international celebrities like Britney Spears, Rihanna atbp.
 

Sa katunayan nga, ito na ang pangalawang beses niyang gumanap as beki (as in mujerista pa). Sa unang tranny role niya sa MMK a few years ago na may mga bata siyang alaga.

Interesting ang karakter ni Arjo as Rocky. Madrama. Madaming hugot tulad sa interview ni Kuya Boy Abunda noon sa pamosong designer na napanood namin one Saturday evening sa show ng celebrity host ay sigurado ako na acting piece ito para sa sino man na gaganap

Arjo and international fashion designer Rocky Gathercole
Knowing Arjo na hindi mo na pagdududahan ang galing, siguradong mapapansin na naman ng mga award-giving bodies for television at mano-nominate ang aktor.

Tinatanong mo if Arjo is gay dahil pagkakamalan mo siya kapag umaarte siya as a beki? Ang sagot ko no! 101% Lalaking- lalaki ang panganay ng aktres ni Sylvia Sanchez at Papa Art Atayde.

12 pelikula pasok sa Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP

 Sa 45 entries na pinanood ng members ng screening committee ng 1st Pista ng Pelikulang Pilipino na proyekto ng FDCP, dose lang ang pasok at kasalai  sa naturang film festival na magaganap sa darating na August 16 to 22.

FDCP's Liza Dino and Cherry Pie Picache
Ang mga members ng screening committee ay kinabibilangan nina film directors Erik Matti at Joey Javier Reyes; film critic Oggs Cruz;  screenwriter Ricky Lee;  film editor Manet Dayrit; cinematographer Lee Briones at actress Iza Calzado.

Ang mga opisyal na kalahok sa PPP ay ang mga sumusuinod:
 
100 Tula Para Kay Stella na pinagbibidahan nina Bela Padilla.at JC Santos; Ang Mananangal sa Unit 23B ni Ryza Cenon at Martin del Rosario; AWOL ni Gerald Anderson; Bar Boys nina Carlo Aquino,Rocco Nacino, Kean Cipriano at Odette Khan; Birdshot ni John Arcilla; Hamog nina Zaijian Jaranilla at Teri Malvar; Paglipay ni Garry Cabalic, Patay na si Jesus ni Jaclyn Jose at Chai Fonacier; Pauwi Na nina Cherry Pie Picache, Meryl Soriano at Gerald Napoles, Salvage nina Jessy Mendiola, JC de Vera at Joel Saracho; Star na si Van Damme Stallone nina Candy Pangilinan at Paolo Pingol at ang trilogy na Triptiko na pinagbibidahan nina Albie Casino, Joseph Marco, Kean Cipriano at Kylie Padilla.  
 

Ang mga pelikulang nabanggit ay mapapanood sa lahat ng mga sinehan sa buong Pilipinas during the duration of the festival, kung saan walang mga foreign films na ipapalabas. All Filipino films only ayon kay FDCP Chairperson Liza Dino.


John Arcilla, Norman King and Direk Paolo Villaluna
 
Sa formal announcement kanina Biyernes, June 30 sa Sequoia Hotel ay dumalo ang ilan sa mga artista na may nga pelikula sa festival tulad nina Cherry Pie Picache, Candy Pangilinan, Zajian Jaranilla, Teri Malvar, Martin del Rosario, JC Santos, Bela Padilla, John Arcilla, Ryza Cenon,  Albie Casino atang kauna-unahang Aeta na artista na si Norman King ng pelikulang Paglipay.
 
Sa iba pang mga schedules na magaganap sa Pista ng Pelikulang Pilipino ay abangan ninyo sa kolum natin dito sa Pinoy Parazzi.

Pelikula nina Vice, Pia at Daniel pasok sa MMFF 2017

Paalis ang unkabogable box-office superstar na si Vice Ganda mamayang gabi (Saturday, July 1) patungong Japan.

The cast of "The Revengers" with Direk Joyce
Sa Japan ay may show siya bukas, Sunday, July 2 para sa series ng bonggang show niya noon sa Araneta Coliseum na “Pusuan Mo si Vice Ganda” na  ipapamalas niya sa mga kababayan natin sa Ichikawa City Cultural Hall na siyang ”free day or day-off” ng mga Pinoy OFW’s natin na doon nagta-trabaho.

Umikot na ang naturang show sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas and even abroad. After Japan ay sa Cebu naman nila dadalhin ang naturang concert this month of July.

Sa Japan show, makakasama ni Vice Ganda ang ”Tawag ng Tanghalan” Champion na si Noven Belleza at ang mga dalawang favorite niya na sina MC at Lassy na tinutulungan din niya na magkapangalan sa showbiz at  for sure ay makakasama niya sa bago niyang pelikula.

Vice in one of his performances
Ang balik ni Vice ay sa Tuesday, July 4 na susundan naman ng pagsisimula ng shooting ng movie nila nina Pia at Danial under the direction Bb. Joyce Bernal.

Sa pagbalik niya ay pelikula naman nilang tatlo ang aasikasuhin niya na kahapon Friday ay in-announce na ng  MMFF 2017 screening committee na pasok ang pelikula nila na ‘The Revengers’  na mula sa Star Cinama sa mga entries na mapapanood sa December 25.

Tuesday, June 27, 2017

Nora Aunor, happy at nag-out na



Happy kami sa mga kafatid namin mula sa LGBT community na nag-celebrate ng Metro Manila Pride 2017 last Saturday, June 24 sa Plaza De Los Alcaldes sa Marikina City with the theme “#HereTogether” na dinaluhn ng almost 7,718 participants ayon sa headcount ng Metro Manila Pride Team.

Nora supports the LGBT Advocacy

Sa kabila ng nagbabadyang isang malakas na ulan dahil sa maitim na ulap sa di kalayuan ay masaya na naidaos ang successful Pride event kasama ang iba’t ibang mga LGBT groups at kabilang na nga dito ang UP Babaylan ng UP Diliman kung saan namin nakuha ang picture ng aktres na si Nora Aunor na isa sa mga kilalang mga celebrity na sumama sa Pride March at nagparticipate. 


Dahil sa picture ni Nora sa parada, naging viral ang usapa-usapan na nag-out na si Guy kung ano ng kanyang sexual preference. 

May tsismis noon  ng kung anu-ano tungkol sa sexuality ni Guy na for us, there’s nothing wrong kung ano man ang piliin niya dahil hindi kabawasan sa pagkatao ng isang tao kung ano man ang gusto niya na for me it is just normal. Bakla, Tomboy, Transgender or Bisexual ka man, hindi nababawasan ang pagiging mabuting tao ang seksuwaledad mo. 

Nora joined th Pride march

Parang isang lalaki na gusto maging kaprtner ay babae; o di kay’ isang bakla na ang gustong mahalin ay isang lalaki  o’ kapwa niya bakla; o di kaya’t isang lesbian na ang gusto niya makapareha ay babae? 

Kabaliwan naman na bading ka na ipipilit sa Ć½o na magustuhan ang isang babae na parang hindi justified na line thinking.
   
Para sa amin, kung saan masaya si Nora, no question. Kung ano man ang preference niya oks lang at hindi isyu sa amin. 

Nora with a supporter

Pero may nakapagsabi sa amin ng rason ni Nora kung bakit dumalo siya sa Metro Manila Pride 2017 event ay dahil sa ginagawa niyang pelikula ngayon at kinunan diumano ang ilang eksena sa naturang parade. Role ng isang lesbian ang ginagampanan ng aktres. Walang ibang detalye ibinagay pa tungkol sa film project ni Nora ayon sa kausap namin. 

Happy Pride 2017. Sa mga LGBT friends at kapatid natin Mabuhay!

*Photos from UP Babaylan 

Friday, June 23, 2017

Kumpirmado Xian Lim at Kim Chiu hindi hiwalay

Remember ‘yong ipinost ni Xian Lim a couple of weeks ago sa kanyang Instagram account na “Goodbye”?

KimXi "forever"?
Naging viral yun at malaking issue sa mga fans and supporters ng actor-singer-performer.  

Ang akala nga ng mga KimXi fans ay tungkol kay Kim yong ipinost ng binata.  

Yun daw ay “goodbye” for the meantime sa kanyang social media account na for almost a week ay nagpahinga siya sa pagpo-post at pagbibigay ng mga updates sa kanyang followers.  

“I’ve read na sometimes, we need to detach for a while. The goodbye does not pertain to anyone,” maikling paliwanag niya. 

‘Anyone’ means detach from Kim? Ngumiti lang ang binata. Nang uriratin namin ang lagay ng ng puso niya (pertaining to Kim); ngumiti lang siya at sabay nag-thumbs up tulad sa “like”sign sa Facebook.  

“Okey kami ni Kim. She’s very supportive sa mga ginagawa ko. She promised me na she will be at my show on July 15.” paliwanag ni Xi sa amin nang makausap siya ng one-on-one.

Songs in the Key of X at the Solaire Resorts and Casino

Next month,  July 15 ay may show ang binata sa Solaire Resorts and Casino kung saan produced ng mga solid KimXim fans ang show sa pangunguna ng KATG (KimXi Around the Globe) na iba rin sumporta sa mga idols nila.  

Kung sa unang concert ni Xian ay may sorpresa sila ni Kim for the fans nang smayaw sila ng tipong “dirty dancing”; sa Solaire concert ay may pasabog ang acroe-singer-performer kahit hindi part ng mga guests performers ang dalaga.  

"She will be at the show to support me," panigurado ng binata.

Thursday, June 22, 2017

Sarah Labhati pasado sa "Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz"

First time ko napanood si Sarah Lahbati na umarte.
            
 Noong dalaga pa lang siya sa kuwadra ng GMA Network, never ko yata siyang napanood sa kahit isang show.

Sarah Labhati plays Ruth Liwanag  in the film directed by Katski Flores
Noong mabuntis ito sa kanyang partner na si Richard Gutierrez ay doon ko lamang siya napansin. 

Sabi ko sa sarili ko, sayang. May future si bagets at bakit naman nagpabuntis gayong ang ganda niya at seksi na may malaki ang future sa showbiz? 

Sa katunayan, ayaw na niya pag-usapan ang mga kaganapan ng career niya sa showbiz 4 years ago. 

Ayaw na rin ni Sarah pag-usapan kung anuman naging problema sa kanya na umabot pa sa demandahan dahil sa “breach of contract” niya sa GMA-Kapuso Network noon. 

Nang matsismis na buntis siya, madami ang naghinayang. Sayang ang future sa showbiz, the fact na super promising siya kung ang pagbabasehan ay ang magandang mukha at seksing pangangatawan.

Sa ganun ko lang nakilala si Sarah. Hindi ko alam na marunong siyang umarte. Hindi ko alam na may ibubuga ito not until mapanood ko ang launching movie niya last Monday na “Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz”, na isang horror movie about possession na dinirek ni Katski Flores. Mapapanood na rin ng publiko sa regular screening ang pelikula simula sa June 28 (Thursday) sa mga sinehan nationwide

Mahilig ako sa horror films. Kahit katsipang zombie movies (kahit Rated B) ay pinapatulan ko at hindi nagwo-walk-out. Ibig sabihin nito, oks ang pelikula. Maging ang acting nina Shy Carlos (as Leah dela Cruz) at Julian Trono ay napansin ko.
 
Sarah still a Hot Momma!

After ng pelikula ay nabanggit ko kay Allan Diones na magaling pala si Sarah umarte. Mabilis  niyang sagot sa statement ko: “‘Oo naman teh. Magaling siya,” sabi ng isa sa mga movie addicts na taga-Abante Tonight na tabloid. 

Kung maaalagaan lang ng Viva Artist Agency (na nagha-handle sa career ni Sarah), malayo ang mararating niya bilang isang aktres. Kung mabibigyan lang siya ng mga magaganda at matitinong mga projects ng Viva Films, she’ll go places sa showbiz. 

Sa ngayon ay wala pang offer ang Kapamilya Network for Sarah to be part of a teleserye. Pag nabigyan siya ng pagkakataon, may kalaban na ang mga establisadong artista ng ABS-CBN.

Arci Munoz at Daniel Matsunaga sila na nga ba ang mag-on?

 Tila nadedevelop sa isa’t  sina Daniel Matsunaga at Arci MuƱoz nang magsama ang dalawa as contestanst sa isang reality show sa Kapamilya Network na pinanalunan ni Wacky Kiray.

Secret Love?
Sabi ni Daniel noong nagsimula ang tsismis tungkol sa kanilang dalawa ng dalaga: ”We’re just friends,” na agad-agad ay isinara na ng binata ang nagsisimula na usapan. 

Ganun din si Arci. Same din ang tsikang “kiyeme” sa media nang uriratin siya tungkol sa namumuong ”romansa”nila ni Daniel during the press launch ng movie ng dalaga with Gerald Anderson na “Can We Still Be Friends?” 

Chillax lang daw sila ni Daniel. Barkada lang at nothing personal. 

Naispatan sa Italy ang dalawa recently. Hindi daw lab-lab or anggulong “romance” ang pagsasama nila kung nakita man silang dalawa ng mga Pinoys sa St. Peter’s Square sa Vatican City sa Rome. 

Basta may statement si Arci recently: “I’ve been single for almost a year and nakapag-move on na ako… I deserve naman to be happy,” basta ako, waley na react.

Miss Manila 2017 Candidate Sofia Sibug (#7) malakas ang tsansa na mapunta ang korona

Pretty si Sofia Romero (Sofia Sibug in real life) who is currently a Star Magic talent.

Mahirap ang proseso para makapasok at mapabilang sa Star Magic Talent Agency, kung saan nagmula ang mga sikat ngayon na artista natin sa Kapamilya network at top celebrity endorsers ng bansa.
 
While waiting for her luck sa showbiz ay iba muna ang pinagkaka-abalahan ni Sofia.
Sofia Sibug is candidate # 7
Sa pagsali niya sa Miss Manila 2017, na yearly pakulo ni Manila Mayor Joseph Estrada at anak na si Jackie Ejercito of the MARE Foundation; ito ang nagsisilbing unang sabak niya sa mundo ng beauty pageants.
Sa patimpalak, gamit ng dalaga ang  kanyang tunay na pangalan na Sofia Sibug na # 7 sa listahan ng mga candidates.
Si Sofia ay kasalukuyang nag-aaral sa Endurun College ng Hotel Administration and is only 17 years old. Crush niya ang aktor na si Paulo Avelino pero wala pang chance na magkasama sila sa isang project.
Maliban sa angking natural na ganda, kinuha siya ng Star Magic dahil sa kanyang pagiging all-around commercial model (sa television, print and also as a runway model).
Wish ni Sofia na maipanalo at maiuwi ang Miss Manila 2017 crown. ”Sana, because it will be a dream come true,” pahayag niya.
 Sa 30 official candidates na kinabibilangan nina Glenn Aeela Krishnan, Alexandra Que, Jane Usison, Shiela Mae Morales, Joanna Rose Tolledo, Roxanne Natividad, Sofia Sibug, Hazel Ann Reyes, Athena Marie Jamaica Catriz, Bea Generosa Aquino, Maria Gail D. Tobes, Rycca Timog, Meryljan Angangan, Katrina Mae Sese , Maria Isabel Alves, Kristine Joyce Montes, Allhia Charmaine Estores, Diana Mackey, Alyssa Joreen Reyes, Shaine Nicole Chavez, Naelah Alshorbaji Almazik, Princess Bautista, Geri Franchesca Camargo, Pamela Villacorte, Jennifer Daguro, Kristine Eiriel Nolasco,Jhan Nicole Ambata, Regine Sarah Turjman,Paola Bianca Bagaforo at Kristel Herrera ang mag-uuwi ng korona? Si Sofia Subug kaya?
 
The 30 official candidates for Miss Manila 2017

The grand coronation night will be held on Araw ng Maynila, June 24, 7 p.m. at the Philippine International Convention Center (PICC), with telecast on ABS-CBN’s Sunday’s Best, after Gandang Gabi Vice, on June 25 (this Sunday).

Miss Manila 2017 will receive PhP 1,000,000.00 worth of prizes, consisting of a management contract and Php500,000.00 in cash; 1st Runner-Up (PhP 350,000.00 cash); 2nd Runner-Up (PhP 250,00.00 cash); 3rd Runner-Up (PhP 150,000.00 cash); 4th Runner-Up (PhP 100,000.00 cash)500,000 pesos, and a contract with VIVA

Pokwang sa February 2018 manganganak

Nang makumpirma  ng komedyanteng si Pokwang na buntis siya recently ay madami sa m  ga followers niya ang natuwa.

Pokwang with partner Lee O'Brian
Blessing from God ang nangyari sa buhay  ni Mamang Pokie at live-in boyfriend niya na si Lee O’Brien, na tila ito na nga ang perfect relationship na matagal na niya hinahanap-hanap.
 
Aminado siya na medyo maselan ang pagbubuntis niya, reason kung bakit almost 2 years ago ay nakunan na rin siya while doing the serye Nathaniel sa Kapamilya network.

Ayon sa kuwento ni Pokie kay Eric John Salut sa panayam niya sa komedyante recently, dapat noong nakaraang June 1 ay naka-schedule ang monthly menstruation ng komedyante.“Eh wala pa. Kaya nung June 10, nagpabili ako ng pregnancy kit sa make-up artist ko, kay Roviel, yun na! Doon ko nalaman na buntis pala ako.
 
“Agad agad nagpunta kami ni Lee (O’ Brian) sa doktor. Seven weeks na pala akong buntis,” pagkukuwento niya kay EJ.
 
Dahil delicate ang estado ng pregnancy niya, nag-decide ang komedyante na huminto muna sa pagta-trabaho,  kung saan isa siya sa mga regular cast embers ng aksyon-seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin na napapanood after ng TV Patrol.
 
Dahil sa kanyang sitwasyon ay nagpaalam siya sa kanyang handler na si
Monch Novales at kay Deo Edrinal na head ng Dreamscape Entertainment,  na in-charge sa pagpo-produce ng serye ni Coco para sa Kapamilya Network.
 

Maging ang pelikula ni Mamang Pokie for Star Cinema kung saan ilo-launch ang tambalang MayWard at KissMarc ay magsisimula na mag-shooting anytime ay nag-back out na rin ito.
 
Ang show niya na Banana Sundae, out muna siya. “Babu muna ako. Tigil muna ako sa lahat dahil magalaw ako, kailangan ko ng full rest ayon sa doctor ko,” sabi nya.
 
Dahil sa ipinagbabawal sa kanya ang gumalaw-galaw; ang mga kaibigan niya like Angelica Panganiban at si Pooh ang dumadalaw sa bahay niya sa Antipolo.
 
Sa paglilihi ni Pokie, ayaw niya ng amoy na may ginigisa (baka sa amoy ng bawang at sibuyas).
 
The other day, sa kanyangIGn account nakita angnposting niya na aratilis at chicken arroz caldo na tila pinaglilihian din niya.
 
“I pray for a normal delivery. Pero sabi ng doktor, malaki ang bata. Amerikano ba naman ang tatay. Kakayanin ng normal pero kung hindi, baka mag CS talaga,” aniya.
 
Sa katunayan nang malaman ng pamilya ni Lee na preggy siya, gusto nilang pumunta agad sa Pinas at excited sila.
 
Suggestion ni Lee ay sa Amerika ito manganak pero mas gusto ni Pokie na dito sa Pinas manganak. “Ang hirap doon, mag-isa ako. Dito marami ang mag-aasikaso sa akin.”
 
Sa February 2018 ang due date ni Mamang Pokie.

Kasalang Sarah Labhati at Richard Gutierrez malapit na

Sa premiere night ng pelikulang "Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz"; suot ni Sarah Lahbati ang ”promise ring” na bigay sa kanya ni Richard Gutierrez noong nasa LA sila.“I think mga four years ago na ito,” pahayag niya.

Sarah Labhati with partner Richard Gutierrez
Walang detalye si Sarah na ibinigay kung ano or para saan ang “promise ring” na suot niya. A beautiful marriage kaya na matagal na hinihintay ng mga taong nagmamahal sa kanila? 

Simple lang ang sagot ni Sarah: “The right time will come (for marriage).” 

Dahil sa promise ring, secured na secured ang feeling ni Sarah sa kapartner. 

Walang nararamdamang insecurities na kahit hindi pa sila kasal, nakakatulog ng mahimbing ito na kahit hindi pa siya tunay at legal na asawa ni Richard. 

Sa katunayan, at last Monday’s premiere night ng movie niya na ipapalabas na sa darating na Wednesday (June 28) ay isang sorpresa ang ginawang pagpapakita ng kanyang kapartner sa nasabing event na mas pinili pa na makasama siya kaysa panoorin ang pilot episode ng bagong teleserye ng Kapamilya Network na La Luna Sangre, kung saan importante ang role na ginagampanan ni Chard bilang bampira na si Sandrino. 

Pahayag ni Sarah sa media noong gabing yun, ”I have the best life (with Richard). Ano kaya ang pangako ni Chard sa kanya together with the “marriage”? Ngumiti lang si Sarah na gusto iwasan magbigay ng detalaye. ”Basta sa amin na lang yun,” sagot niya sa press. 

If ever na ikakasal na siya, she wants to get marriage in November or December. “Ayoko ng mainit kasi,” sabi lang niya.

Sa pelikulang “Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz” she plays the role of a police woman na ang kamatayan ni Leah ay bahagi ng madidiskubre niyang lihim na partly ay naging bahagi din siya.
For Sarah, goodluck sa movie ninyo nina Shy Carlos at Julian Trono. 

In fairness nagustuhan ko kayong umarte bukod pa na pasok sa banga ang nakakatakot at shock-boggie na pelikula in Direk Katski Flores na co-produced ng Viva Films, Reality Entertainment at Kamikaze Pictures.

Enrique Gil pasok sa pelikulang Darna

Enrique Gil as Liza Soberano's leading man?
I'm sure ay super happy ang mga fans nina Liza Soberano at Enrique Gil sa lumabas na balita  the other day na si Quen ang magiging leading man ni Liza sa pelikula niyang Darna. 

As of this writing, wala pang formal announcement ang Star Cinema kung sino talaga ang magiging kapareha ni “Narda” as the human karakter ni Darna kung ang pagbabasehan natin ay ang traditional Mars Ravelo story-line na si Narda (isang PWD na naka-saklay) ay magkakaroon ng superpower at nagta-transform into our own and  local  superwoman na kapag isinubo ang ‘magic” baton na inaabot ng nakababatang kapatid na si Ding ay nagiging “Darna” si Narda. 

Sa cinema teaser ng Darna na napapanood ko noong hindi pa ina-announce na si Liza ang gaganap, hindi ipinapakita ang mukha ni  Darna na sa hubog ng katawan ang hula ng nakararami ay si Angel Locsin nga yun. 

Seksi kasi ang torso ng Darna na ipinapakita. High tech ang short teaser na kami man na sa kapirangot na patikim ay biglang na-excite.

LizQuen bonggang box-office tambalan
Sa short messenger chat namin ng manager ni Liza na si Ogie Diaz this the other day ay hindi pa daw niya nababasa yong istorya na lumabas  sa Philippine Star kung saan doon namin nabasa ang titulo na si Quen nga ang gaganap na leading man ni Liza sa pelikula. 

Sabi  ni Ogie sa amin tungkol sa lumabas na balita: “Ah hindi ko alam, eh. Si Darna lang ang alam ko. Si Ding nga hindi ko alam kung sino dahil ang alam ko may pa-go see sila. Pero bagay doon si Tristan as Ding, yung bata sa La Luna Sangre. Ang cute!!” reaksyon ni Ogie. 

May dagdag siya: “Pero kung bibigyan talaga ng love interest si Liza, may iba pa ba, eh tried and tested na ang LizQuen? Tama ba”?

Saturday, June 17, 2017

Piolo Pascual vs Diether Ocampo tuloy ang tungalian

Magkatungali silang dalawa sa simula pa lang. Sila ang mahigpit na competitor sa estado na gusto nila kalagyan.' Ang tinutukoy ko ay sina Piolo Pascual at Diether Ocampo.

Sa simula ng ng kani-kanilang mga showbiz careers, sabi ng ilan may labanan na pailalim na sina Papapi at Diet. Sino nga ba sa kanilang dalawa ang mas sikat. Noong panahon ng The Hunks, sino ba sa dalawa ang mas malakas ang tili at following. Sino sa kanila ang mas magaling na lalong naging solido anghaka-haka nang pagsamihin ang dalawa sa The Hunks ng Kapamilya Network.

Kahit hindi lang silang dalawa ang kasali sa grupo na kinabibilangan din nina Jericho Rosales, Carlos Agassi at Bernard Palanca, sina Piolo at Diether ang palaging napapansin. Sila ang inaiitriga at pinagsasabong kahit hindi sinasadya.

Mamayang gabi ay magbabangayan ang dalawa sa rating. Sino ang mas pinanood? Si Piolo ba sa magiging performance niya sa MMK sa Kapamilya Network or si Diether  sa  Magpakailanman ng Kapuso Network.

Dirther Ocampo in Magpakailanman

Si Piolo ay tuloy-tuloy ang trabaho bilang sang artissta at pag-arte at madami na napatunay na isa siya sa mga magagaling nating artista while si Diether naman ay nahinto sa showbiz at sa pag-arte at ngayon nga ay nagbabalik.

Piolo Pascual in MMK
Mamaya mag-channel surfing ako between ABS-CBN at GMA pag nagsimula na ang drama anthology na ang isang show ay mauuna ng konti.

Goodluck kina Papapi at Diet. May kumpetisyon ba talaga?