Friday, January 27, 2017

Sylvia Sanchez, Arjo at Ria Atayde 3 in 1 na parang kape

Kumbaga sa kape parang three-in-one. May kape, may creamer, at may asukal o sweetener na. Tatluhan sila sa iisang industriya na napamahal na rin sa kanila. Si Sylvia Sanchez, Arjo Atayde at Ria Atayde

Una, si Sylvia Sanchez. Si Nanay Gloria. Siya ang pasimuno sa lahat na ang pagmamahal niya sa industriya ng pag-arte ay namana ng kanyang dalawang mga anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde.
Almost 27 years in the business, pinanday na si Ibyang (tawag namin sa aktres) ng showbiz. Kung kailan nagka-edad, saka naman dumating ang magandang break niya bilang ina na may sakit na pagiging makalilimutin sa madramang panghapong serye ng Kapamilya Network na “The Greatest Love” na napanonood, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “Doble Kara”.

Naging by-word ang TGL. Bukambibig ng manonood ang pangalan at karakter ni Ibyang sa serye bilang Nanay Gloria. Laging ipinagmalaki ni Ibyang ang serye sa mga kaibigan lalo pa’t sa mga pinagdaanan niya noon bago nakuha at napunta sa kanya ang role, kung alam lang ng fans niya ang paglalakbay ng aktres to be a Nanay Gloria ay mamangha sila. Kaya nga ganu’n kamahal ni Ibyang ang show. Mahal na mahal niya ang kanyang karakter dahil mahal din ito ng mga tagasubaybay ng serye.

Dahil nasa dugo na niya ang showbiz, lalayo ka pa ba sa panganay nila ni Papa Art Atayde na maimpluwensiyahan din niya ang anak na si Arjo na ang biggest break sa karir ng binata ay ang aksyon-serye na “FPJ’s Ang Probinsiyano”.

Arjo
Most hated television character si Arjo ngayon as Joaquin Tuazon ng mga manonood ng serye at fans ni Coco Martin. Siya kasi ang bad boy sa kuwento. Kasumpa-sumpa, ‘ika nga, ang kanyang karakter. Hated siya ng mga batang fans ni Gardo. Ayaw ng mga nanay at lola sa kanya na siyang pasimuno sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ng mga kaibigan at pamilya ng mabait at huwarang pulis. Pero dahil sa bad police image ni Arjo, mas nagmarka siya sa publiko.

 Ang latest, ang pangalawang anak ni Ibyang na si Ria, sumunod din sa yapak ng ina. Yes, last Monday ay nagpaandar ang dalaga at pinatunayan niya that she is not just the daughter of Sylvia Sanchez and the younger sister of Arjo Atayde.

Sa unang sabak niya sa eksenang drama, no less than Miss Coney Reyes ang kaeksena niya sa bagong serye ng ABS-CBN na “My Dear Heart” na produce ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network.

Personally, inabangan ko si Ria sa mga eksena niya last Monday. Hindi ako natulog after kong mapanood ang aksyon-serye nina Coco at Arjo just to watch Ria act, na akala ko nga’y palamuti lang ang dalaga with her pretty face.

Impressive ang dalaga sa kanyang eksena kung saan umamin siya sa inang si Coney na buntis siya sa boyfriend na si Zanjoe Marudo.

Marami sa mga kaibigan naming non-showbiz ang pumuri kay Ria sa short message namin sa dalaga sa Instagram sa paandar nito sa unang sultada niya sa seryeng “may kurot sa puso” sabi nga nila.
Mas seryoso ang karakter ng dalaga sa bago nitong serye kumpara sa morning serye niya noon sa “Ningning”, kung saan nagsimula ang lahat.

Kung tutuusin, hindi naging madali para kina Arjo at Ria na makapasok sa showbiz, kahit pa sabihing mga anak sila ng isang Sylvia Sanchez. Ang hindi alam ng marami, dumaan din sa butas ng karayom sina Arjo at Ria bago napasakanila ang mga role sa mga seryeng ginagampanan nila ngayon.

Sylvia
Si Arjo, dumaan sa audition bago napunta sa kanya ang role sa ‘Bangka’ episode ng “MMK”. Kung tama kami, tatlo yata silang mga artista nu’n ang nag-audition at si Arjo ang masuwerteng baguhan na napili. Ang role niyang ‘yun ang naghatid sa kanya sa estado kung ano man siya ngayon.
May pinatunayan. May napatunayan. Arjo is not just one of those young stars ng Star Magic at Kapamilya Network na porke’t guwapo ay puwede na. Kung ano man si Arjo ngayon, he worked hard for that recognition ang respect sa career na pinasok niya.

Sa kape, hindi ako mahilig sa 3-in-1. Sobrang tamis kasi. Ayaw ko ng lasa na alam kong fake na fake ang sweetener at creamer. I prefer my coffee brewed with a tablespoon of brown sugar and two hazelnut flavored creamer.

Pero kung sina Sylvia, Arjo, at Ria ang bagong 3-in-1 sa showbiz sa galing nila, hindi ka talo. Hindi mo aayawan. Hindi lasang fake ang kape na iinumin mo sa umaga

Aljur Abrenica binastos ng kampo ni Kylie Padilla

Natawa ako sa nabasa ko na isinulat ng kaibigang Arniel Serato sa PEP.ph tungkol sa engagement nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla na ngayon ay three months preggy na.
 
Aljur Abrenica

Funny at wala palang coordination ang management company ni Kylie, na Vidanes Celebrity Marketing sa pumumuno ni Betchay Vidanes, sa pagmamahadera nito sa ginawang public announcement ng engagement nila na ipinakalat sa traditional media at sa social media. Mas nauna pa nga naman silang
nagpahayag (to cover-up Kylie’s pagbubuntis?) kaysa sa boyfie ni Kylie na si Aljur.

 Kaya hindi mo masisisi si Aljur na mag-alburoto sa ginawa ng management company ng kanyang fiancĂ©e gayong siya ang lalaki, siya ang nakabuntis, siya ang magpapakasal pero inunahan ng iba.

ang pagbabalita gayong naghihintay ng timing ang kapartner ni Kylie ng tamang panahon para sa pagpapahayag ng engagement nila Ewan ko kung bakit hindi muna naghintay ang kampo ni Kylie kay Aljur na i-announce publicly ang pang-uurirat ng media at tanong ng bayan sa buntis isyu.  Moment nito ni Aljur na ninakaw pa sa kanya.

Sabi ng isang kaibigan na malapit sa future dad, “Insulto nga naman ‘yan, ‘day, kay Aljur. Nagmahadera kasi ‘yang Betchay na ‘yan na para bang siya ang nabuntis. Hindi muna niya hinayaan si Aljur sa sarili nitong diskarte at timing kung ano man ang plano niya sa kanila ni Kylie. Siya ang future husband.”

Aljur and Kylie Padilla
“Bakit naman nagmamahadera itong si Betchay without Aljur’s consent? Pati ba naman ang plano ng pagpapakasal ng dalawa, kinakarir pa ni Betchay?” tanong nga sa amin ng kaibigan ni Aljur nang makausap namin kanina.

To quote Aljur based sa interview ng kaibigang Arniel: “Sa totoo lang,medyo nabastusan talaga ako sa nangyari. Hindi. Talagang nabastusan ako sa nangyari (na announcement ng engagement nila sa public nang walang pasabi).”

Ayon sa sinulat ni Arniel, noong later part of October 2016 pa pala ang unang proposal ni Aljur kay Kylie noong nagbakasyon ang dalawa sa Japan. Pero kung bibilangin, buntis na marahil si Kylie nang maganap ang proposal, kung ibabase sa tatlong buwan nang sanggol sa sinapupunan nito.

Aljur super bad trip?
 Basta sa ganang akin, wala nang cover-up sa nangyaring pagbubuntis prior to the engagement. Sa panahon ng EJK, mga selfie-selfie, at nakalulurkey na administrasyon ni King Krung Krung sa bayan kong mahal, stop na. Basta ang mahalaga, pangangatawan ni Aljur ang pagbubuntis ni Kylie.
Kung ano man ang magiging consequences at kahihinatnan nina Kylie at Aljur, abangan na lang natin ang susunod na kabanata.

Wednesday, January 25, 2017

Miho Mishida at Tommy Esguerra winner sa Foolish Love

Palabas na ngayong araw (January 25) ang first movie nina Miho Mishida at Tommy Esguerra na “Foolish Love” from Regal Films. Kaya nga ditto sa pelikula, hindi na nag-inarte at bumigay na si Miho kay Tommy sa mga  kissing scenes nila na isa sa mga hinihinging eksena ni Direk Joel Lamangan sa dalawa.
“Okey lang po ‘yun sa amin na gawin ‘yong kissing scene (kahit torrid) dahil kami namang dalawa. Kung hindi po si Tommy ang makaki-kissing scene ko, ‘di ko  rin po alam kung magagawa ko po ‘yun o papayagan ako ni Tommy,” sabi ng dalaga.
 
Miho and Tommy
Kung sabagay, matured na sila pareho ni Tommy. Hindi na rin bago ‘to sa kanilang dalawa. It’s like kissing in real life sa harap nga lang ng kamera.
First movie ito ng dalawa at based sa positive feedbacks last night after mapanood ang pelikula sa premiere night na isinagawa sa SM Megsmsll Cinema 7 ay winner ang tambalang ToMiho.
 
“Sana po magustuhan ng manonood ang movie namin ni Ate Angeline at Kuya Jake” sabi ng dalaga na ang love team nila ni Tommy ay hindi matatawaran sa dami ng followers.
 
Ang mga fans na andun sa preem panay ang tilian at sigawan sa mga eksena ng ToMiho kapag halikan na ang eksena. Congrats!

Zanjo Marudo naghahanap na ng kapalit kay Bea Alonzo

Noong huling humarap si Zanjoe Marudo sa press (bago ang “My Dear Heart”), nagpauna na "no personal questions" for Z (palayaw ni Zanjoe). Kung tama ako, presscon ‘yun ng pelikula ni Zajoe with Angel Locsin at Sam Milby sa Star Cinema na “The Third Party” last year.
Kabe-break pa lang nila ng girlfriend na si Bea Alonzo noon na walang kaalam-alam ang showbiz press magpasahanggang ngayon sa tunay na dahilan ng split-up ng dalawa.
Akala ko nga, tuluy-tuloy na sila ni Bea noon, ang magandang takbo ng relasyon nila. Hindi alam ng media na may isyu na pala sila para mauwi sa hiwalayan.
Zanjoe Marudo
Pero sa grand presscon ng bagong teleserye ni Z sa Kapamilya Network na “My Dear Heart” na magsisimula na ngayong gabi after ng “FPJ’s Ang Probinsiyano”, cool na siya. Keri na niyang sagutin ang mga tanong tungkol kay Bea. Kaya na niyang pag-usapan si Bea, na ngayon ay “friends” na sila.
Sa katunayan, siya mismo ang nagpahayag na walang isyu sa kanila ng ex-girlfriend at ng current  boyfriend nitong si Gerald Anderson (na ayaw pa ring aminin ng aktres). Happy si Z sa “romance status” ng dating kasintahan sa buhay nito with Gerald.
Nang banggitin sa kanya ang tungkol sa mga date ng dalawa na marami ang nakakikita at naka-post sa social media, positibo ang reaction ng binata. Basa mo na wala na ‘yong negativities sa aura niya na normal lang sa mga bagong hiwalay sa ka-partner nila.
Sabi ni Z, “Nakikita ko naman si Bea na happy siya ngayon, ‘yun ang wish namin sa isa’t isa. Okay kaming dalawa, wala kaming masamang tinapay.”
Pakiramdam ni Z, pareho sila ng nararamdaman in Bea na both ay happy sa status ng kanilang mga buhay pag-ibig ngayon.
“At ramdam ko rin na ganoon din siya sa akin. Kung may magandang nangyayari sa buhay ko, sa career ko, I’m sure natutuwa siya. Ganoon din ako sa kanya. Sana maging masaya siya lagi,” sabi ni Z.
Zanjo with Bela and  child star Nayomi Ramos
In short, naka-move-on na si Zanjoe. Lalo na si Bea who is enjoying her life with Gerald.
Pero tila may idini-date ngayon si Z, lalo pa’t nang bumili siya ng concert ticket ng sikat na bandang Coldplay na magaganap sa April, dalawang tickets ang binili niya. Ibig sabihin nito, may ka-date siya? Sino naman kaya ang nagpapasaya kay Zanjoe ngayon sa moving on process ng buhay niya?
“’Di ko alam kung kanino ang isa pa. Ini-imagine ko na baka naman pagdating ng April ay mayroon na akong kasama. So, wala pang may-ari noon. Binili ko lang, dalawa, pero wala pa talaga.”
Panigurado ni Zanjoe na after Bea ay may puwang pa sa puso niya. Wala pang laman sa nabakante ng aktres. Hindi siya nagmamadali, pero ang current status niya ay happy siya kumpara noon na pakiwari ng mga nagmamahal sa kanya ay nakasuklob ang buong mundo kay Z.
Sabi ni Zanjoe,“Nag-e-enjoy ako. Nae-excite ako sa idea na baka mamaya, roon na dumating at makilala ko na. May makakasama na ako.”
Pero career wise, masaya si Z. “Happy ako sa dumating na magandang chance sa akin para sa role ko sa bagong serye as the dad of Heart (played by Nayomi Ramos).
Sa bagong show ni Zanjoe, he plays husband kay Bela Padilla na ex-girlfriend naman niya ang magandang si Ria Atayde na anak ni Ms. Coney Reyes.

Saturday, January 21, 2017

Angeline Quinto na " Foolish Love" kay Erik Santos?

Sa isang tsikahan the other night, naging topic ang last relationship ni Angeline Quinto. Si Erik Santos ba ang tinutukoy ng biriterang singer na pakiwari ng marami ay nagsayang ng oras ang dalaga sa “ilusyon” na relasyon nila?

Angeline Quinto & Jake Cuenca
Kasi naman, first time naranasan ni Angeline na “makipaglaplapan” o sa sosyal na lengguwahe ay makipag-French kissing sa isang male specie at ito ay sa katauhan ni Jake Cuenca na leading man niya sa bagong romcom na “Foolish Love” ng Regal Films na showing na nationwide sa darating na Wednesday, January 25.

Natawa nga kami sa instant reaction ni Angeline sa first ever “laplapan” niya on screen at sa totoong buhay.

“Masarap pala,” diretsahang pahayag ng singer. Kung hindi pa nagkaroon ng French kissing sa pelikula, wala sanang “laplapan” na na-experience ang dalaga, na kung iisipin, sa tagal  nila ni Erik (ano nga ba talaga sila?) ay never pala nagkaroon  ng “laplapan” ang dalawa bilang boyfriend-girlfriend.

Angeline thankful kay Jake sa "Laplapan" experience
Pero thankful ang dalaga dahil sa kanyang unang laplapan, naging very gentleman si Jake habang nakabantay si Direk Joel Lamangan na puring-puri naman ang singer sa pagiging matapang na gawin ang eksena at pagiging propesyunal.

Sa first romcom sa 2017, makasasama nina Angeline at Jake sina Miho Mishida at Tommy Esguerra na isa ring love team on-screen and for real na walang kaartehan at game din sa kanilang mga eksena.

Perfect couple sina Benjamin Alves at Julie Ann San Jose

The usual showbiz clichĂ© ang bukambibig ng mga artistang ayaw umamin sa kanilang mga relasyon lalo pa’t kapwa artista ang kanilang ka-partner. Pero kung titingnan mo naman ang closeness nila, iisipin mo na ang pangde-deadma nila sa katotohanan na malaman ng publiko at ng media kung ano ang kumpirmasyon sa relasyon nila, mabubunyag na lang sa araw na naghiwalay sila.
Sa presscon ng bagong teleserye ng GMA na “Pinulot Ka Lang sa Lupa” na pinagbibidahan nina Benjamin Alves at Julie Anne San Jose, naging topic namin ng mga kasamahang reporter ang white lies ng mga artista.
Benjamin Alves & Julie Ann San Jose in GMA's Pinulot Ka Lang sa Lupa
Kita mo naman ang closeness nila. Ang hawakan nila ng kamay at mga titigan, hindi ka magdadalawang-isip na sabihin sa sarili mo na sila na nga.
Tulad sa kaso nina Benjamin at Julie Anne, mababasa mo sa mga ikinikilos ng dalawa na may “something” between them, na ayaw lang aminin ng dalawa.

Hindi na bago ang mga phrases sa showbiz ang “We’re friends but not lovers”, “We are getting there (into a relationship)”, “We’re just superclose but we’re not lovers”, etc. na pinagtatawanan na lang naming.
Sa kaso ni Benjamin at Julie Ann, very proud ang binata sa “super friendship” nila ng dalaga na ayaw pa ring kumpirmahin nito.
Ngingiti-ngiti lang si Benjamin kapag inuurirat mo si Julie Anne sa kanya. Pero nang tanuning siya nang masinsinan, si Julie Anne ang babae na gusto niya na maging girlfriend.
“I am happy when we’re together. Masaya ako kapag nand’yan siya. Kahit magkasama kami sa taping at sa mga lakad, kapag nakauwi na kami, I still enjoy talking to her,” kuwento ni Benjamin sa amin.
 
Pinulot Ka Lang sa Lupa on GMA Afternoon Prime
starting January 30 after Hahamakin ang Lahat
Malaki ang pasasalamat ng aktor na nagkasama sila ni Jilie Anne sa bagong teleserye na mapanonood simula January 30 sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng “Hahamakin ang Lahat”.
Sa serye, Benjamin plays the role of Ephraim while Julie Ann naman plays Satina.
Sina LJ Reyes, Victor Neri, Allan Paule, Martin del Rosario, and Jean Garcia plays support  sa obra nina Gina Alajar at Aya Topacio.
 

Bela Padilla tahimik na nakipaghiwalay sa boyfriend

Malaking gulat ng press people sa presscon ng bagong teleserye na kukurot na naman sa ating mga puso, ang “My Dear Heart” na kuwento ng batang si Heart, sa ibinalita ni Bela Padilla tungkol sa kanyang lovelife. Walang aabug-abog, heto’t sumambulat na split na sila ng boyfriend niyang negosyante at film producer na si Neil Arce.
 
 
Bela Padilla as Clara in My Dear Heart
The last time na katsikahan ko si Neil was at the presscon of the film “Camp Sawi” ng Viva Films, kung saan ang grupo niya ay isa sa mga producer ng pelikula. Sabi nga ni Neil sa amin na natatantaan ko nang tanungin ko siya kung kailan naman ang kasalan nila ni Bela, “Malayo pa. Ayaw ko siyang madaliin. Bata pa ‘yan at hinahayaan ko muna siyang mag-enjoy para naman sa mga dreams niya.”
 
During the presscon na kung hindi pa kinamusta sa dalaga realasyon nila ng boyfie, hindi pa malalaman ng media na split na silang dalawa.
 
“But we’re friends,” sabi ni Bela sa press nang uriratin sa kanya.
 
Sa katunayan, may project nga raw sila ng ex-boyfie niya sa Viva Films, isang romcom na bida siya with Jericho Rosales. Bahagi raw sa conceptualization ng istorya ay silang dalawa ni Neil ang bumuo. Buddy-buddy silang dalawa.
 
“Okay pa rin, like ngayon nagsi-shoot kami ng movie. Okay parin naman kami,” dagdag pa ng dalaga tungkol sa post hiwalayan nila ng boyfriend.
 
Sabi ni Bela, on the business side ay oks sila ni Neil. Nagdya-jive ang ideas nilang dalawa.
“‘Yung utak namin pagdating sa mga trabaho at pagdating sa mga concept, walang problema,” aniya.
Ayaw nang idetalye ni Bela ang dahilan ng kanilang hiwalayan, pero okay naman ang pakikitungo ng isa’t isa kahit hindi na sila magka-relasyon.
 
Bela with Zanjo Marudo as Jude and Nayomi Ramos as Heart
Napag-alaman namin sa dalaga na pagdating pala sa television works and assignments, under contract si Bela sa ABS-CBN, sa pelikula naman ay nakapirma siya sa Viva Films, kaya nasa priority list siya ‘pag may bagong shows na gagagawin ang Kapamilya Network.
 
Kuwento pa ni Bela, bago pa gawin ang seryeng “My Dear Heart” na mapanonood na sa darating na Lunes 23, pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsiyano”, nang magkita sila ni Connie Reyes, nabanggit nito sa kanya na gusto siya nitong makasama sa project, na during that time ay wala pang offer sa dalaga.
Sa bagong show, makasasama rin niya aside from Miss Connie sina Zanjoe Marudo (playing her husband), ang baguhang child star na si Nayomi Ramos (as Heart) sa role ng anak nila ni Z, Rio Locsin, Joey Marquez, Robert Arevalo, Eric Quizon, Ria Atayde, at marami pang iba, sa direksyon nina Jerome Pobocan at Jojo Saguin.

Coney Reyes bilid sa pagiging marespeto ni Ria Atayde

Puring-puri ni Miss Connie Reyes ang baguhan na si Ria Atayde. “Marespeto siya, just like her mom (Sylvia Sanchez),” sabi ng seasoned actress tungkol sa dalaga.
Ms. Coney Reyes and Ria Atayde
 
Sa bagong show ng Dreamscape Entertainment na “My Dear Heart”, bida ang bagong child star ng Kapamilya Network na si Nayomi Ramos bilang Heart na anak nina Zanjoe Marudo at Bella Padilla. Ria plays the daughter of Miss Connie (Dra. Divinagracia) na former college girlfriend ni Zanjoe. Ang dating relasyon ng dalawa ang isa sa malaking component sa kuwento kung bakit naging masamang tao ang karakter ng beteranang aktres.
 
Kuwento nga ni Ria, “It’s a big break for me playing Tita Connie’s daughter. It’s an honor tulad ng sabi din ni Mommy na si Tita Connie was the one who gave mom’s biggest break when she guested in her drama anthology before,” kuwento ng dalaga.
 
 
Ria plays Gia in Dreamscape Entertainment's My Dear Heart
Nice to hear from the likes of Miss Connie ng good words for Ria at sa inang si Ibyang.
 
“It’s inspiring for me as a newcomer. I hope I can do my best to deliver,” sabi ng pa young actress sa presscon ng serye.
 
Sa Monday na, January 23 na magsisimula ang “My Dear Heart” sa Primetime Bida sa Kapamilya Network pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Friday, January 20, 2017

Christian Bables Regal Baby na!

Happy kami kay Christian Bables sa kasalukuyan niyang estado ngayon sa showbiz. Matapos na mapansin ang galing niya sa pag-arte as the bestfriend Barbs ni Trisha played by Paolo Ballesteros sa box-office hit na “Die Beautiful”, napansin din at nagbunga ang halos anim na taon niyang pagtitiyaga sa showbiz.
 
Christian Bables with Regal Films' Mother Lily and Ms.Roselle Monteverde
and his managers Jeff Ambrosio & Joan Angeles
Kaliwa’t kanan na acting workshops, go-sees, at auditions sa mga roles na puwede naman na wala ‘yong karakter na ginagampanan niya, ngayon ay istariray na si Christian.
With the positive response ng publiko sa karakter niya dahil magaling naman talagang umarte, siya na ang latest Regal Baby ng mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde.

Last Wenesday night, pumirma si Christian ng two-year exclusive movie contract sa Regal.
“Hindi ko ini-expect na darating ito sa career ko. After all the hardships ay heto, nagkabunga rin sa wakas,” sabi niya sa amin na alam mong masaya siya.
Mula nang mag-win siya ng Best Supporting Actor award sa nakaraang MMFF, left and right na rin ang offers kanya. Pero as of the moment, pinag-aaralan pa rin nilang mabuti para hindi sumablay ang magandang status niya ngayon sa showbiz.
 
Christian Bables
This coming Saturday, mapanonood siya sa “Magpakailanman” as the lead character sa drama anthology na dinirek ni Maryo J. delos Reyes.
With his Regal Films’ contract, isang movie naman ang gagawin niya under Direk Chito Roño, kung saan si Daria Ramirez ang gaganap as his mother at si Mara Lopez naman as his girlfriend.
“Hindi ko alam kung papaano ko ide-describe ‘yong feeling na ‘to. Dalawa sa mga magagaling nating film direktor sa industry, makatatrabaho ko. Nag-look test na kami for the project of Direk Chito,” pagbabalita ni Christian sa amin.
Kuwento nga ni Mother Lily, napaiyak siya sa karakter ni Christian sa “Die Beautiful”.
“I love him. He is like my son,” pagmamalaki ng Regal Films matriarch sa ilang press people na nag-cover ng event.
 
Sa ngayon, floating pa si Christian kung saang TV network siya pipirma ng contract. May offer sa kanya ang ABS-CBN at ang GMA.
“Pinag-iisipan at pinag-aaralan pa naming mabuti ang mga offer. Pero gusto kong magkaroon ng teleserye,” pangarap ng aktor.

Martin del Rosario for P30K?

May kumalat na blind item tungkol sa isang celebrity beki at ang naka-one-night stand niyang aktor. Sa elimination ng mga pinagdududahan kung sino ang beki at kung sino ang aktor, lumabas ang pangalan ng celebrity disc jockey na si Mr. Fu at ang guwapo at sexy hunk na si Martin del Rosario for a fee of P30,000.00.
 
 
Martin del Rosario
Sa presscon ng GMA Afternoon Prime na “Pinulot Ka Lang sa Lupa” na mapanonood na simula January 30, nagulat si Martin nang itanong ito sa kanya.
 
 
“Hindi ko alam ‘yun, ha? Ako raw ba ‘yun?” balik-tanong niya at natawa.
 
 
“Grabe naman! No, hindi po totoo ‘yun,” dagdag ng aktor.
 
 
Hindi na bago kay Martin ang ganu’ng mga kuwento sa showbiz. Hindi na rin siya nagugulat kung kani-kanino siya inili-link na mga bading o ‘di kaya’y mga lalaki na “karelasyon” daw niya.
 
 
Hindi na rin bago sa kanya ang itsismis na bading o di kaya’y kabit ng bading, na kadalasang ipinupukol sa mga lalaking artista.
 
 
Baptism of fire sa mga lalaking artista ang tatlong isyu o tsismis. Una ay bakla. Pangalawa ay kabit ng bading o mayroong nag-aalagang bading. Pangatlo ay galing sa isang gay bar o masahista ng mga bading bago naging artista. Take your pick. Alin sa tatlo ang keri mong sakyan o mas malala ay masikmura at hindi magiging balat-sibuyas?
 
 
Hindi galing sa gay bar si Martin o isang dating masahista. College student siya sa UP Diliman na nahinto lang dahil sa kagustuhan niyang mag-artista. Basta ang mahalaga sa aktor, ginagampanan niya ang kanyang trabaho bilang artista na propesyonal at marespeto siya sa mga kapwa artista at katrabaho niya.
 
 
Sa mga lalaking artista ngayon, isa si Martin sa maaasahan mong marunong umarte. In short, alam niya ang trabaho niya na siyang ginagampanan niya nang tama at wasto.
 
 
Si Martin, he plays the role of Kiko na besti ni Santina played by Julie Anne San Jose na ka-partner naman ni Benjamin Alves sa bagong serye ng Kapuso Network.

Tuesday, January 17, 2017

"Kung magloloko ako sa misis ko, sana noon pa.”-Ian Veneracion

Nagulat na lang si Ian Veneracion sa bali-balitang kumakalat na may “something” diumaho sa kanila ng sexy star na si Jessy Mendiola.
 
Hindi siya makapaniwala kung saan galing ang tsismis gayong hindi naman daw sila magkasama sa isang project na siyang kadalasang nangyayari sa mga artistang magkaama sa isang pelikula or teleserye na may paandar na tulad ng romantic liaison sa isa’t isa para mapag-usapan.
Ian Veneracion
Sabi ni Ian, “Hindi ko alam, hindi naman kami naging magkatrabaho or anything. Siguro sa showbiz mas importante ang juice factor kaysa sa factual basis.”

Sa estado ni Ian na very much like ng girls at mga bading with his “young daddy” aura, hindi maiwasan na kung anu-anong tsismis ang maglilitawan.
Mabuti na lang, hindi sila na-link ni Iza Calzado na ka-partner niya sa horror film na “Ilawod”, kung saan ginagampanan nila ang role bilang mag-asawa na isa-isang iniengkanto ng “Ilawod” na sa salitang Bikolano ay engkanto ng ilog (o sapa) na ginagampanan naman ng magaling na young actress na si Therese Malvar.
 
“Noong kami ni Jodi (Sta. Maria) never kaming natsismis, dahil alam ng fans at supporter namin na happy kami sa mga personl naming buhay,” sabi ni Ian.
 
“Sa last vacation namin ng pamilya, nagkita pa kami ni Jodi sa Iceland. May ilang tour activities na nakasasama namin sila, pero kanya-kanya kaming schedules,” dagdag pa ng aktor.
Imposible rin na ma-link siya kay Iza who is romantically involved with Ben Wintle na any moment, kapag nag-aya nang magpakasal ang karelasyon nito, I’m sure hindi na ito tatanggi.
 

Ian with co-star Iza Calzado
Panigurado ni Ian, “Kung magloloko ako sa misis ko, I don’t need to wait na ang leading lady ko ang makare-relasyon ko. Kung gugustuhin ko lang, sana noon pa.”
Sa nasabing horror film, Ian played a reporter na during his assignment sa isang probinsiya, ang engkanto ng ilog ay sumama sa kanya, reason kung bakit inisa-isa silang buong pamilya na ma-possess ng engkanto.
 
Bukas, Wednesday January 11 ay showing na ang horror film na kailangan mo na may kasama kapag manonood ka.

Ang" laplapan" nina Angeline Quinto at Jake Cuenca sa Foolish Love

Bongga ang first kissing scene ni Angeline Quinto kay Jake Cuenca sa bagong romcom movie ng Regal Films na “Foolish Love” mula sa direksyon ni Joel Lamangan. Si Jake ang nakauna sa matamis na labi ng dalaga on-screen. Kaya naman si Jake na sanay sa halikan, todo-alalay sa eksena nila ni Angeline.
Jake Cuenca-Angeline Quinto in Foolish Love
Kaya nga si Direk Joel, super bantay sa naturang eksena, na ang “French kissing” ng dalawa ay hindi lang ‘yong tipong smack lang sa lips.
Si Jake, bihasa na sa mga halikan at love scene. Palaban kung palaban sa mga eksena at hindi maarte.
“I protected her. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaction niya sa kissing scene namin. It went well,” kuwento ni Jake sa press launch ng pelikula kamakailan.

Sa movie, alam ng singer na may matindi silang halikan ni Jake sa eksena. “Ok lang po. Trabaho, pero kinakabahan ako nang kukunan na ni Direk Joel,” sabi ni Angeline.
Angeline first "French kissing" scene with Jake in Foolish Love
Sa first romcom for 2017 ng Regal Films, makasasama sina Miho Nishida at Tommy Esguerra na ang kissing scene naman ng dalawa ay hindi issue, dahil ang dalawa ay real-life na magkarelasyon kaya easy ang halikan scene nila.
Ang “Foolish Heart” ay mapanonood na sa January 25 sa mga sinehan nationwide.

Miho Mishida walang keber sa kissing scene nila ni Tommy Esguerraa

Mabuti na lang at okey lang sa magkarelasyon na sina Miho Nishida at Tommy Esguerra na may kissing scene sila sa pelikulang “Foolish Love” ng Regal Films. Sa totoong buhay kasi, magkarelasyon naman sila kaya hindi isyu na kailangan pang magpaalam ni Miho kay Tommy kung sakaling iba ang leading man niya o makahahalikan.
Miho Mishida & To my Esguerra in Foolish Love
Kung titingnan mo ang dalawa, sweet sila. Bagay sila. Mukhang love na love nila ang isa’t isa, reason kung bakit sa first movie nila, madali para kay Direk Joel Lamangan na idirek ang dalawa.
“Hindi sila maarte. Hindi sila tulad ng ibang artista na kissing scene lang ay malaki na ang issue sa kanila,” sabi ni Direk.

Kung si Miho ang tatanungin mo. “Mabuti na lang po na si Tommy ang first kissing scene ko sa movie. Hindi ako naasiwa.”
Walang stress kay Direk Joel nang kunan niya ang eksena ng dalawa. “Very cooperative sila. ‘Yan ang gusto ko sa mga artista.”
Si Angeline (Quinto), hindi naging isyu sa kanya ang torrid kissing scene nila ni Jake. Ipinaliwanag ko ‘yong scene nila na pumayag naman si Angeline,” sabi pa ni Direk Joel.
Cast of Foolish Love with Direk Joel Lamangan
Say ni Miho, “Dahil mas kumportable kami sa isa’t isa, mas naging madali sa amin iyong mga ginawa namin sa pelikula as lovers at sa kissing scene.
Sina Miho at Tommy, cool na cool lang. Chill lang, ‘ika nga, bago kunan ang kissing scene nila. Ang ipinag-iba nga lang siguro sa dating halikan nila in real life as magkarelasyon ay may nakatutok na kamera at may ilang tao na part ng produksyon na nakamasid.
Ang basa nga ng marami, perfect partner ang dalawa na sa sampu-samperang love teams ngayon sa showbiz, bago man sila on-screen ay mahaba pa ang lalakbayin nila as a partners off-screen.
Sa January 25 na ang showing ng pelikula nationwide.

LIZQUEN balik eskwela

Matalinong bata si Liza Soberano ayon sa deskripsyon ng manager niyang si Ogie Diaz. Iba si Liza. Hindi siya tulad ng ibang artistang kaedad niya na kung ano na lang ang isubo sa kanya, okey na siya, tanggap na lang nang tanggap, ‘ika nga.
“Si Liza kapag may project kami, magtatanong ‘yan. Talagang gusto niyang i-discuss mo sa kanya ang detalye. ‘Yan ang gusto ko naman sa kanya, dahil may participation siya sa lahat ng mga bagay na gagawin niya,” sabi ni Ogie sa amin.
Enrique & Liza with their instructor
Malaki ang impluwensiya sa kanya ng mommy ni Enrique Gil na si Tita Bambi. Lalo na ni Quen, “na basta usapang negosyo ay pareho silang seryoso at excited.”

Reason na rin siguro kung bakit kasabay ng kabisihan nila ni Quen sa trabaho with a new Valentine movie na “My Ex and Whys” ng Star Cinema na showing na sa February 15, hindi pa rin nila binibitawan ang kanilang pag-aaral sa SISFU (Southville International School Affiliated with Foreign Universities) na affiliated sa isang London business school na gusto ng dalawa.
Kung tama ang impormasyong nakarating sa amin, noong late of 2016 nagsimulang mag-aral ang dalaga. At least si Liza, kung sakaling mawala man sa showbiz, may fallback ito sa negoyong papasukin kung sakaling ready na siya after her studies.

Saturday, January 14, 2017

Jennylyn Mercado-Dennis Trillo gusto na magka-baby?

Is it true na si Dennis Trillo ang nag-suggest na magbakasyon sila ni Jennylyn Mercado abroad para makita ang misteryosong Northern Lights or the Aurora Borealis?
 
A smart decision. I book travels and tours abroad (I own World 360 Travel Consultancy) at isa sa mga topsellers namin sa travel agency ay ‘yang Northern Lights tour. Mga bandang September to March magandang makita itong natural phenomenon. Kapag April to August, waley mo sight ito.
‘Di lang namin alam kung saang bansa sila nag-book. Pero para sa akin, the best place para makita ang magical view na ito ay either Finland or Norway. Expensive nga lang. 
Kung sakali ngang after the “Sikat Ka, Kapuso” concert tour nina Jen at Dennis sa January 22 at the Terrace Theatre, Long Beach, California, ang vacay nilang ito, malamang diretso sila sa Fairbanks, Alaska na kung saan maganda rin ang Northern Lights sightings o sa Yukon territories ng Northern Canada.
 
Jennylyn & Dennis
I suggest ‘yung Muncho Lake Provincial Park na mas convenient and a picturesque stop along the Alaska Highway sa may northern British Columbia. Bandang itaas lang ito ng US border.
 
Kung Europe ang destination nila, malamang go sila either sa Iceland, Scotland, or Sweden for the best sighting.
Ang tanong, du’n na kaya mabuntis si Jen? Kasi may haka-haka ang mga psychic na kapag ang isang baby raw ay nabuo under the Northern Lights, ito ay magiging maganda o guwapo, at higit sa lahat  napakasuwerte!
Totoo nga kaya ang kumakalat na tsika na mayroong 2017 wedding plans na ang dalawa?
Jennylyn & Dennis recent holiday
Si Jen, may bagong show sa Kapuso Network na remake in Filipino ng sikat na Korean telenobela na “My Love From The Stars” na si Bb. Joyce Bernal ang direktor at magsisimula nang ipalabas ngayong first quarter of 2017.
Sa new serye ng aktres, makasasama niya as partner ang isang unknown named Gil Cuerva. Sorry folks, got no idea kung sino si Gil at kung saan ang pinagmulan para may “K” siya na maging leading man ng prime actress ng GMA.
Bali-balita online, isang commercial and ramp model daw itong si Gil, na kung titingnan ang photos niya, he looks like Borgy Manotoc na anak ni Manang Imee Marcos.

Mayor Herbert Bautista may sagot sa "balikan" isyu nila ni Kris Aquino

Sinagot ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang tungkol sa kanila ni Kris Aquino. Nagbabalik-ligaw ba siya sa celebrity host-endorser tulad sa kumakalat na balita online?
 

QC Mayor Herbert Bautista and Kris Aquino

Recently kasi, nagkita in person ang dalawa for a “business meeting” na segue naman sa 10 pink balloons na naka-post sa Instagram account ni Tetay na hawak-hawak ng bunsong anak na si Bimby.
Sa posting ni Kris, may conversation sila ng anak na reading between the lines, si Kris ay tila namumukadkad na naman ang buhay pag-ibig. Kung susumahin mo ang pagtatagpo nila ni Mayor Bistek at tungkol sa 10 pink balloons at mga roses na natanggap niya kamakailan, iisipin mong si Mayor Bistek nga ang nagpadala kay Tetay.

“Hindi galing sa akin ‘yun (10 pink balloons and red roses),” panigurado ni Mayor Herbert nang humarap siya sa ilang press people sa regular pa-birthday treat niya sa mga ito na nagse-celebrate ng kanilang mga kaarawan sa 1st quarter ng 2017.
“I’ll be happy for her. Okay sa akin ‘yun kasi du’n din siya kumukuha ng strength, du’n sa partner niya. She has so much inspiration from her children and her family.
 
“Kung mayroon namang nagpapataba at magpapasaya ng puso niya, mas maganda nga ‘yun,” sabi ni Mayor Herbert.
Aminado si Mayor Herbert na may pinagdaraanan ngayon si Kris. Una na ang pagkatalo ng partido ng kapatid niyang si Noynoy sa nakaraang eleksyon, ang hindi nila pagkasundo ng ABS-CBN, at ang “career” ni Kris na hindi na natin alam kung saan patutungo.
Sabi ni Mayor Bistek, “She’s trying to recover after the elections, nagkasabay-sabay. As a friend I have to be supportive.”
 

 
 
Sa posting ni Kris after the balloons na pinagpistahan sa social media, nakatakda si Tetay magbakasyon sa isang destination na love na love niya (hindi kaya sa Hawaii) na hindi niya binanggit para i-meet ang isang kaibigan na hindi niya tinukoy kung sino. Sa biyahe niyang ito, solo siyang magta-travel minus Bimby and Josh, ang kanyang yaya and not even her personal assistant ay hindi kasama sa trip na ito ni Kris.
Mala-soul searching ang biyahe na ito ni Tetay na who knows, baka sa lugar na pupuntahan ng celebrity host, doon sila magtatagpo ng kanyang “mysterious suitor” na nagpadala sa kanya ng 10 pink balloons at roses.

Friday, January 13, 2017

Iza Calzado is now the "Horror Goddess" in Ilawod

Goodbye Kris Aquino as the “Queen of Horror Movies” sa pagpasok sa eksena ng “Horror Goddess” sa katauhan ni Iza Calzado via the first horror movie in 2017 na “Ilawod” ni Direk Dan Villegas.
Iza is the "Horror Goddess"
 Kuwento ito tungkol sa engkanto na natatagpuan sa ilog or sapa na ang tubig na dumadaloy ay pababa.
Kuwetong possession ito na ang buong pamilya ni Iza with husband Dennis (played by Ian Veneracion), na sa kanyang pag-uwi from an assignment sa isang probinsya ay may sumamang engkanto (Ilawod).
Sa trailer, hindi mo iisipin na ang pang-romcom na si Direk Dan ay kering manakot sa kanyang pelikula.

Si Iza na raw ang pumalit kay Kris na nakilala sa horror movies na nagawa niya noon. Pero kung susumahin ang mga nagawang horror movie ni Iza, mas marami pala siyang nagawa, tulad ng award-winning na pag-arte niya sa “Sigaw” (na may US version na siya rin ang gumanap sa karakter ng lead) at ang super hit sa box-office na “Haunted Mansion” noong 2015 MMFF.
IIlawod movie poster

Kung titingnan mo si Iza, even without any lines or dialogue sa kanyang eksena, may misteryo na nakabalot sa personality niya.
Iza with co-star Ia Veneracion ans producer Atty. Joji Alonzo
Ang horror film ay sinulat ng Palanca awardee na si Yvette Tan at makasasama nina Iza at Ian sina Epi Quizon, ang nagbibinatang si Harvey Bautista (anak ni Mayor Herbert Bautista), at ang mga nagdadalagang sina Terese Malvar at Xyriel Manabat.
 
Ang Ilawod ay produced ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso at showing na next week, Wednesday, January 18.
 

Olympic figure skater Michael Martinez "Yummy" sa mga Bekis

Unang bumulaga si Michael Martinez sa media noong sumali siya sa 2014 Winter Olympics na ginanap sa Sochi, Russia. Siya ang kauna-unahang figure skater mula sa Southeast Asia na hindi nakararanas ng snow, at tanging kinatawan ng Pilipinas sa 2014 Olympics.
 
Olympic skater Michael Martinez
Naging viral si Michael nang i-post ang panawagan sa mga kapwa Pinoy na suportahan siya sa kanyang pagsali sa kumpetisyon.
Sa mga pictures ni Michael noon na naka-post sa social media, isang patpatin (payat) na bata si Michael, na after almost three years ay magugulat ka sa transformation niya into a sexy and buffy hunk.
Yes, brusko, macho, at yummy ngayon ang binata with his almost 6 packs na abs na makikita sa kanyang Instagram posting.
Sino’ng mag-aakala na ang dating payat na Michael ay mata-transform into one sexy & buffy athlete, na I’m sure, after seeing his latest photos ay maraming girls at bekis ang mag-iilusyon sa kanya ngayon.
And how’s Michael’s lovelife sa edad niyang beinte? Sorry sa mga nangangarap, dahil Michael is committed sa kanyang pag-eensayo para sa 2018 Olympics na gagawin sa Pyengchang, South Korea.
Siguro, after ng kompetisyon next year (2018), doon pa lang makapagde-decide ang binata kung papasukin niya at seseryosohin ang usaping lovelife.

Pelikulang "Dear Future Husband" nina Lloydie at Sarah magso-shooting na

Ang bilis ng pangyayari. Una, si John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ay nagpakuha ng picture na kasama ang standee ng isa’t isa na na inilagay ng Star Cinema adprom team sa kani-kanilang social media account.
Sarah Geronimo & John Lloyd Cruz
Kaya nang makita namin ang picture ng dalawa, alam na naming may pelikula muling pagsasamahan ang dalawa.

The following day, hayun at nag-story conference na last Thursday, January 12, ang mga artistang sangkot, si Ms. Malou Santos, at ang direktor na si Theodore Boborol.
As of presstime, end of January ang simula ng shooting ng “Dear Future Husband”.
“Kung hindi man end of this month, 1st week of February ang start ng shooting. Target playdate 2nd quarter of 2017 (April-June),” ayon sa impormasyong nakuha namin.
Sarah & Lloydie with Direk Theodore Boborol
Hindi malinaw sa amin kung ang bagong pelikula ni Lloydie at ng Pop Princess ay 4th installment ng kanilang Lyda Magtalas-Miggy Montenegro romance or bagong kuwento ito.
Now pa lang, ang dami nang excited sa muling pagsasama ng dalawa sa pelikula at isa na kami roon.

Pelikulang "Tatlong Bibe" ni Direk Joven Tan positibo ang mensahe

Kung naging isyu sa pelikulang “Oro” ang pagpatay sa aso na naging dahilan para i-pull out sa mga sinehan at mabawian ng award, bukod pa sa nakalolokang demanda mula sa PAWS, siniguro naman ni Direk Joven Tan na wala silang sinaktang hayop sa pelikulang “Tatlong Bibe” na poduced ng Regis Films.  “Kahit manok, bibe, kalabaw ay inalaagan namin,” sabi ni Direk Joven.
 
Direk Joven Tan
Wish niyang maisama ang pelikula sa nakaraang MMFF 2016, kaso hindi ito napili. Pero positibo si Direk Joven na makahahanap din sila ng showing date kung saan naka-schedule ipalabas ang pelikula sa darating na March 1.
 
Dagdag pa ni Direk Joven, “Alagang-alaga namin ang mga animal sa set. Sa isang farm kami nag-shooting.”
Nilinaw ni Direk na hindi ito halaw sa sumikat na kantang “Tatlong Bibe” na pambata na naging viral last year.
“It’s an inspirational drama about love, faith and forgiveness,” ani Direk.
  

 
 Panigurado ni Direk Joven, wala silang pinatay na anumang hayop sa pelikula, kung ‘yun ang inaakala ng mga animal lovers na manonood ng pelikula na pinagbibidahan ng Star Magic artists na sina Raikko Mateo (of Honesto), Lyca Gairanod (The Voice Kids 1st Grand Winner), at Marco Masa (of Nathaniel).
Lyca, Raikko & Marco
Kuwento ito tungkol sa mga pagbabago sa buhay ng mga karakter nina Angel Aquino, Rita Avila, at ng mga artistang kasama sa pelikula na sina Eddie Garcia, Mommy Dionisia Paquiao, Anita Linda, Lou Veloso, Edgar Allan Guzman, Luis Alandy, at Ms. Perla Bautista dahil kay Noah na ginagampanan ni Raikko.
A day before Valentine’s (February 13) ay magkakaroon ng premiere night ang “Tatlong Bibe” sa SM Megamall Cinema 9.
Kuwento pa ni Direk Joven sa amin, “Hindi naman namin ipinakitang sinaksak ‘yung bibe o dumanak ng dugo. Daya lang ang lahat.
 
"Tatlong Bibe" official poster showing March 1, 2017
“Bakit naman ako mananakit ng hayop, e, alam kong bawal? Marami kaming ginamit na ibang hayop sa movie like aso, pusa, kalabaw… but they were all handled with care. No animal was harmed in the filming of our movie. Our producer, Regis Films, has a farm at du’n galing ang lahat ng animals that we used in our movie.”

Hindi comedy ang pelikula nila (kung pagbabasehan ang title ng pelikula) kundi isang inspirational drama tungkol sa pagmamahal, pananampalataya, at pagpapatawad.

Wednesday, January 11, 2017

Ang bagong raket ni Rita Avila

Nagandahan ako sa suot ni Rita Avila na mala-apron na may drawing sa harap  nang humarap siya sa media para sa bago niyang pelikula na Tatlong Bibe na produced ng Regis Films. Cute. Bagay sa kanya ang damit na black, na ang kulay ng nakapatong na apron ay parang mesh na white sa peg niyang children’s book writer na bago niyang raket (read: career o'trabaho); bukod sa pagiging isang artista.
Ang direktor ng Tatlong Bibe na si Joven Tan ang siyang nag-encourage sa kanya na magsulat ng libro.
Rita Avila
 
“Si Direk Joven, matagal ko nang kaibigan, noon pa. Noong una, medyo hesitant ako sa gagawin ko, I have no idea kung papaano.”
“Pero siya ang nag-encourage sa akin. ‘Di ba writer siya bago naging director? Siya ang nagturo sa akin kung papaano gagawin,” kuwento pa ni Rita sa amin who plays an abusive tiyahin ni Marco Masa na iniwan sa kanyang pangangalaga ng inang si Angel Aquino.

Happy si Rita sa estado niya bilang wifey ng mister na si Direk FM Reyes. Sa katunyan, sa current teleserye ng aktres sa Kapamilya Network, director niya ang mister.
“Kung minsan nakalilimutan ko siyang tawaging ‘direk’ sa set,”natatawang  kuwento niya sa amin. “Sa katunayan, very serious si Direk FM kapag nagwo-work. During break or meal time, hindi ko siya nakasasama. Kapag kumakain na kami, mga artista ang nakasasama ko dahil inaasikaso niya ang mga eksenang susunod na kukunan.
Sa bahay, pag-uwi nila, kung minsan natutupad ang pagiging husband and wife nina Rita at Direk FM. “Mas mahirap ‘yong work niya sa akin. Ako artista lang, na I have to concentrate on my role. Pagkatapos ng taping, tapos na. P’wede na akong umalis sa set. Siya hindi pa, kaya naiintindihan ko ang demands and responsibilities niya as director.
 
Rita with ABS-CBN's Direk FM Reyes
“Sa bahay kung misan, hindi pa ‘yan matutulog pagdating from work. Mag-aaral pa ;yan ng mga eksena na kukunan niya the following taping day. Mahirap ang responsibility ng isang direktor, na naiintindihan ko naman,” kuwento pa ni Rita sa amin.
Sa pelikula, makasasama niya ang tatlong mga batang artista ng Star Magic na sina Raikko Mateo, Lyca Gairanod, at si Marco Masa who will play sort of lead sa pelikula.
 
 
Hindi man nakasama sa 2016 MMFF ang Tatlong Bibe, nasuwertehan na nakakuha sila ng playdate sa darating na March 1.